UNA sa lahat, salamat sa mga nag-text, totoo pala na may bansang Pacquiao. Ilang tulog na lang, sagupaan na nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto. Isa sa mga strategy ni Cotto ay “painan” si Pacquiao. Hindi papasok si Cotto at papapasukin si Pacquiao, saka mamasuhin. Sa laban ni Pacquiao kay Juan Manuel Marquez, muntik na ang Pambansang Kamao. Nakagawian ni Pacquiao na ibaba ang kaliwa pagkatapos bumayo. Napuna ito ni Marquez, kaya niyanig siya nang ibaba ang kaliwa at mabuksan ang saya. Sa iyong pag-aaral at opinyon, paano maiiwasan ni Pacquiao ang bitag at pagkakamali? I-text ang inyong sagot sa 0917-8446769, i-mail sa [email protected] o i-blog sa https://banderablogs.wordpress.com
Lito Bautista, Executive Editor
BANDERA, 111009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.