Maja: Umasa na rin ako, na-in love pero hindi naman nasuklian ang pagmamahal! | Bandera

Maja: Umasa na rin ako, na-in love pero hindi naman nasuklian ang pagmamahal!

Jun Nardo - February 02, 2017 - 12:10 AM

maja salvador at paulo avelino

HINDI agad nakarating kay Maja Salvador na siya ang nirekomenda ni Paulo Avelino para maging leading lady niya sa Valentine offering ng TBA Productions na “I’m Drunk, I Love You”. Nagustuhan naman niya ang pinadalang script.

“Pero after a month, tinanong ko ang handler ko kung ano na ang balita sa movie. Sabi sa akin, ‘Naka-hold. Wait lang. Parang may iba.’ Sabi ko sa handler ko, ‘Pag bumalik, gawin pa rin natin. Pero kung mag-decide sila na hindi, hindi para sa akin ang pelikula.’

“Pumayag naman siya kahit na-hurt siya na hindi muna ako. Eh, bumalik. Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga,” pahayag ni Maja sa grand presscon ng movie.

“Ikaw talaga ‘yon!” sundot naman ni Paulo. “Nagkagulo kasi ng konti. In-adjust namin ang script kasi akala ko, ako si Carson. Si Dio pala! Ha! Ha! Ha! Nu’ng nalito sila, ibinalik uli,” dagdag ng aktor.

Ngayon lang kasi magtatambal sina Paulo at Maja sa movie. Nagsama na sila sa Regal Films movie na “Status: It’s Complicated” pero magkaiba sila ng kapareha.

Isang babae na hopia (hoping) sa lalaking minamahal (Paulo) ang role ni Maja.

“Siguro tayo ring lahat naman, dumating ‘yung panahon na umasa rin tayo. Nagmahal at hindi nasuklian ang pagmamahal. Na-experience ko rin naman ‘yan. Huwag kayong magdi-deny! Lahat kayo na-experience maging Carson.

“Pero hindi naman ako Carson ngayon,” rason ni Maja.

Sikat na loveteam ang makakabangga nina Paulo at Maja sa playdate ng movie nila na Feb. 15. Pero kampante sila na may laban ang movie nila lalo na’t bukod sa mga kilig na eksena, hugot lines, eh malaking factor ang music na maririnig.

Maririnig sa “IDILY” ang musika ng top OPM artists gaya ng Parokya ni Edgar, Juan Miguel Severo, Kai Honasan, Jimmy Bondoc kung saan maririnig din ang boses nina Paulo at Maja sa ilang kanta.
Nasa cast din sina Jasmine Curtis-Smith at Dominic Rocco, sa direksiyon ni JP Habac.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending