Driver, 3-anyos na batang lalaki patay sa salpukan ng van at bus sa Cebu | Bandera

Driver, 3-anyos na batang lalaki patay sa salpukan ng van at bus sa Cebu

- February 01, 2017 - 04:05 PM

cebucity

PATAY ang dalawang katao, kasama na ang tatlong-anyos na batang lalaki, samantalang sugatan naman ang anim na iba pa matapos na bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang pampasaherong bus sa kahabaan ng bayan ng Tuburan, Cebu City.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Napoleon Mahinay at CJ Senening, 3.

Sugatan naman sina Victoria Senening, Francisca Senening, Marjie Mahinay, Nelson Senening, Trixie Senening at Kates Mahinay, 2.

Pauwi na ang mga biktima sa Barangay Tabunoc, Tabuelan matapos dumalo sa isang birthday party ng isang kamag-anak sa Barangay Cinco, Tuburan, ayon kay PO3 Jameller Palanas Jr., imbestigador ng Tuburan police.

Idinagdag Palanas na base sa inisyal na imbestigasyon, kapwa mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan nang mangyari ang banggaan,

Bumangga ang van sa paparating na Ceres bus na papuntang Cebu City ganap na alas-8 ng gabi.

Dahil sa lakas ng banggaan napipe ang harapang bahagi ng van. Dead on the spot si Napoleon, na siyang nagmamaneho at si CJ, na nakaupo sa harapan.
Nagtamo ng matinding pinsala sina Victoria, Francisca at Marnie, na dinala sa isang ospital sa Cebu City, samantalang bahagya lamang ang tinamong pinsala nina Kates, Trixie at Nelson kayat agad na pinauwi.
Sumuko naman ang driver ng bus na si Ruben Umpad, 30, ng Barangay Basak sa Lapu-Lapu City.
Sinabi ni Umpad na hindi niya napansin ang van at narinig na lamang niya ang malakas na banggaan. Itinanggi niya na siya ay nakatulog.

“We have yet to talk to the survivors to also get their side. Some of them especially the kids (Kates at Trixie) were still in shock and Nelson kept crying when we visited them,” sabi ni Palanas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending