Oconer bibitbitin ang Pilipinas sa Le Tour at SEA Games | Bandera

Oconer bibitbitin ang Pilipinas sa Le Tour at SEA Games

Angelito Oredo - January 28, 2017 - 11:00 PM

PANGUNGUNAHAN ni George Luis Oconer ang Philippine cycling team na nakatakdang sumabak sa  Le Tour de Filipinas sa Pebrero pati na rin sa darating 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ay matapos ihayag ni Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) national road race coach Norberto Oconer ang bubuo sa pambansang koponan na kinabibilangan ng 22-anyos na si Oconer, 24-anyos na si John Renee Mier, 25-anyos na si Boots Ryan Cayubit at 24-anyos na si Jerry Aquino Jr.

Isa pang miyembro ng pinakabatang nabuo na pambansang koponan ang nakatakdang pangalanan matapos piliin mismo ng PhilCycling kasama ang Philippine Sports Commission (PSC).

Sariwa pa si Oconer sa pagwawagi sa Tour of Brunei may dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas at dapat sana ay sasabak sa minimithi nitong mapanalunan na mailap na korona sa 2017 Ronda Pilipinas. Dalawang beses nitong pinangunahan ang qualifying races ng taunang karera bago bumalik sa pambansang koponan.

Ang 2012 Ronda Pilipinas best young rider na si Mier ay miyembro rin ng Philippine cycling team na sumabak noong 2010 Asian Games sa Guangzhou, China. Sumabak din siya sa men’s individual pursuit at men’s points race events.

Si Cayubit ay kabilang sa 7 Eleven Roadbike Philippines, ang Philippine-registered UCI Continental team, at nagwagi ng gintong medalya sa pamamagitan ng puntos sa men’s criterium event ng 2016 World University Cycling Championship na isinagawa sa Tagaytay.

Ang isa pang miyembro na si Aquino Jr. ay matagal din na miyembro ng pambansang koponan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending