Kylie sa Encantadia bubuhayin kahit buntis na
HABANG isinusulat namin ang column na ito, wala pa ring pahayag si Robin Padilla hinggil sa pagbubuntis ng anak niyang si Kylie Padilla.
Umamin na sina Kylie at Aljur sa present status nila at nag-announce na rin ang talent management ng Kapuso actress na engaged na ang dalawa ngunit nananatili pa ring tahimik si Binoe.
Nagsalita na ang engaged couple tungkol sa kanilang mga plano sa isang entertainment website. So, ano pa nga ba ang masasabi natin sa kanila? We can only wish them good luck.
q q q
In the meantime, balitang hindi pa rin matsutsugi sa Encantadia ang role ni Kylie Padilla bilang si Reyna Amihan.
Mismong ang direktor ng programa na si direk Mark Reyes ang nagpahayag na marami pang magaganap sa karakter ni Kylie. Ibig sabihin, mabubuhay pa ito sa pagpapatuloy ng kuwento ng serye.
Kumalat kamakailan sa social media ang photo ng eksena kung saan namatay na nga si Amihan at ipinalabas na ito last Thursday.
Pero ang tsika nga ni direk Mark, “This picture does not end the story of Kylie’s Amihan. There are still a lot of stories to tell between (sic) Amihan, Ybrahim, Lira and her sisters. Don’t be disheartened. This is not the end of Kylie in the show.”
Hmmm, well wala namang imposible sa panahong ito, lalo na sa mundo ng mga engkantada?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.