Angeline bumigay kay Jake sa ‘Foolish Love’: Wala naman sigurong masama!
LUTANG na lutang ang galing sa pag-arte at tapang ni Angeline Quinto sa “laplapan” nila ni Jake Cuence sa romantic-comedy movie na “Foolish Love” under Regal Films.
Shocking ang eksena nilang dalawa na pagulong-gulong habang magkadikit ang mga labi, huh!
Umani ng papuri ang acting ni Angge dahil sa naitawid niya ang kanyang role bilang babaeng virgin na naniniwala pa rin sa destiny kaya gagawin niya ang lahat para makita ang kanyang childhood sweetheart na matagal na niyang pinapangarap na maging boyfriend.
Ayon sa singer-actress nang mapanood ang lampungan nila ni Jake, hindi raw niya ito matingnan nang diretso.
“Nu’ng nag-dubbing kasi ako, hindi ganoon kalaki ang screen. Kasama ko ang Mama Bob ko. Bago kami pumunta, sabi ko sa kanya, ‘Ma, trabaho lang ‘yon, huh!’ Kasi kailangan kong ipaliwanag sa kanya, kasi first time niya akong makikita sa eksenang ganoon na matagal nakipaghalikan! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Angeline.
“Kami ni Jake, walang ginawa kungdi maghampasan sa upuan. Kasi natatawa na nadadala sa sigaw ng mga tao habang nanonood. Natutuwa naman ako kasi kinilig sila,” rason niya.
Ang daming puyat daw nang gawin ang movie, “Parang boldest role! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Angge.
Pero pag-amin niya, daring naman daw siya sa totoong buhay.
“Hindi naman siguro masama kung susubukan ko ang first time na ganoon sa buhay ko. Lalo na pagdating sa pag-arte. Kasi naman, kung magpa-sweet ako, hindi na ako 16 years old. Alam ko naman na maintindihan ng mga tao.
“Siguro nasa tamang edad na ako para gawin ang eksenang ‘yon,” tugon pa niya.
Eh, nakadami si Jake sa kanya sa movie, huh! “Nakadami? Pareho naman kaming nakadami! Ha! Ha! Ha!” sey pa ni Angeline.
Showing na ngayon ang “Foolish Love” na binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board directed by Joel Lamangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.