Mahigit 50,000 trabaho bukas sa mga aplikante | Bandera

Mahigit 50,000 trabaho bukas sa mga aplikante

Liza Soriano - January 25, 2017 - 12:10 AM

MAHIGIT 50,000 trabahong lokal ang maaaring aplayan ng mga naghahanap ng trabaho.

Mga pangunahing bakanteng posisyon gaya ng mga sumusunod: call center agent, 822 posisyon; staff nurse, 402; kasambahay, 198 bakante; private tutor, 180; quality analyst,180 bakante.

Kasama rin ang production worker, 180; cashier, 140; salesperson, 135; drivers, 125; at accounting officer, 100.

Libre ang paghahanap ng trabaho gamit ang Enhanced PhilJobNet System.

Makikita sa PhilJobNet ang napapanahon at tamang impormasyon sa mga bakantang trabaho at mga aplikanteng manggagawa.

Wala ring gastos ang pagrerehistro ng mga aplikante at ng employer sa PhilJobNet.

Ang PhilJobNet ay ang web-based job matching facility ng pamahalaan na nagtataglay din ng mga impormasyon ukol sa merkado sa paggawa.

Ito ay nagtataglay ng flexible matching system kung saan itinutugma ang aplikante sa bakanteng trabaho ayon sa pangangailangan ng employer.

Mayroon din itong interactive map para makita ng aplikante ang mga impormasyon ukol sa bakanteng trabaho, mga ipinatutupad na proyektong pangkabuhayan, o ang mga training programs na isinasagawa sa mga rehiyon at probinsiya.

Makikita rin dito ang mga bakanteng trabaho sa ibang bansa, listahan ng top hiring companies, at ang PESO Performance Monitoring System (PPMS).

Ang PhilJobNet ang nangungunang job search at job skills matching portal ng Pilipinas mula nang ito ay mailunsad noong 1998.

Director Dominique Tutay
Bureau of Labor Employment (BLE)
DOLE
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending