24-man training pool ng Gilas kasado na | Bandera

24-man training pool ng Gilas kasado na

Dennis Christian Hilanga - January 22, 2017 - 07:53 PM
gilas OPISYAL nang inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas katuwang ang Philippine Basketball Association ang 24-man training pool ng Gilas Pilipinas. Pinangalanan ni SBP president Al Panlilio Linggo ng gabi sa Philsports Arena matapos ang laban ng Alaska Aces at Mahindra Floodbusters sina Calvin Abueva, Art Dela Cruz, Japeth Aguilar, Terrence Romeo, LA Revilla, Jonathan Grey, Bradwyn Guinto, Norbert Torres, Raymond Almazan, June Mar Fajardo, Paul Lee, at Jayson Castro na siyang kumumpleto sa national team pool. Nauna nang kabilang sa training pool ang 12 Gilas cadets na binubuo ng mga rookies na sina Carl Bryan Cruz, Mac Belo, Kevin Ferrer, Von Pessumal, Russell Escoto, Ed Daquioag,  Alfonso Gotladera, Matthew Wright, Mike Tolomia, Arnold Van Opstal, Jio Jalalon at  Roger Pogoy. Tig-dalawang kinatawan ang pinili kada koponan sa PBA upang maging bahagi ng nasabing roster na maghahanda para sa nalalapit na FIBA Asia Cup at Southeast Asian Games na kapwa papalo sa Agosto. Mas batang mga manlalaro rin ang bumubuo sa inilabas na lineup at ang pinakamatanda ay 30-anyos lamang ito ay dahil sa pagpeprepara ng koponan sa mas malalaki pang international tournaments sa hinaharap.  ”Naghahanda tayo para sa 2019 World Championships”,  saad ni Gilas head coach Chot Reyes sa isang maikling talumpati matapos ang naganap na pagpapakilala sa bagong Gilas pool. Ibinunyag din ni Reyes na tiyak matutuwa ang mga Pinoy basketball fans dahil sa pinirmahang 5 year-deal ng TV5 at Sports 5 sa FIBA upang ipalabas ang mga laro sa nasabing istasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending