Camp Crime sa halip na Camp Crame | Bandera

Camp Crime sa halip na Camp Crame

Ramon Tulfo - January 21, 2017 - 12:10 AM

DAPAT daw ay palitan ang pangalan ng Camp Crame ng Camp Crime.

Hindi na raw headquarters ng Philippine National Police (PNP) kundi pugad na raw ito ng mga kriminal.

Ang suhestiyon ay nanggaling sa tagapakinig ng “Karambola,” isang popular commentary program sa DWIZ (882 AM sa pihitan).

Ang suhestiyon ay biro pero malaman. Ito’y nag-ugat sa pagkakapatay kay Jee Ick-joo, isang negosyanteng Koreano, sa loob mismo ng Camp Crame.

Ang mas masaklap pa nito, sinakal ang Koreano hanggang mamatay sa loob ng isang gusali na malapit sa “White House,” official residence ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa, ang PNP chief.

Ang pagkatay sa Koreano sa loob ng Camp Crame ay pinaka-nakahihiyang pangyayari sa kasaysayan ng PNP, na
itinuturing na isa sa mga pinaka-abusado at bulok na organisasyon ng pulisya sa buong mundo.

Dahil sa pangyayari, sinabi ni dela Rosa na gusto niyang “matunaw sa kahihiyan dahil nangyaring ito sa loob ng Camp Crame.”

Hindi ka matutunaw, Bato, dahil di ka naman yelo o ice cube.

Ang dapat mong gawin ay magbitiw sa tungkulin dahil hindi mo kayang supilin ang iyong mga tauhan.
Kung may delicadeza ka pa sa iyong pagkatao ay dapat mag-resign ka na.

Kahit na si Speaker Pantaleon Alvarez ay nanawagan na magbitiw na sa tungkulin si Bato.

“Grabe ang gihimo nila sa Koreano, bai,” sabi ni Alvarez sa akin nang makausap ko siya sa telepono kahapon.

“I will make an official statement on Monday,” dagdag pa ng Speaker, na matalik na kaibigan ni Pangulong Digong.

Dapat basahin ni Bato ang sumusunod na anecdote o maikling kuwento na may aral.

Nangyari ang anecdote sa isang maliit na bayan sa Japan kung saan pinahahalagahan ng mga mamamayan ang kanilang reputasyon at
dangal.

Maraming taon na ang lumipas nang isang patrolman ay nanggahasa ng isang housewife sa kanyang beat o place of assignment.

Dahil sa pangyayari, nagpakamatay ang immediate supervisor ng patrolman dahil sa kahihiyan.
Dahil din sa kahihiyan kaya’t kinitil din ng chief of police ang kanyang buhay.

Ang alkalde ng bayan ay nagbitiw sa tungkulin.

Kung may kaunting utak si Bato ay dapat alam niya ang mensahe ng anecdote.

Balak ng ating pangulo ay gawing crime-free society ang Pilipinas gaya nang ginawa niya sa Davao City noong siya ay mayor pa.

Pero paano niya naisakatuparan ang ma-gandang hangarin samantalang maraming pulis, dapat ay ipagtanggol ang mga mamamayan sa mga kriminal, ay mismong sila ang mga kriminal?

Panahon na upang magkaroon ng internal cleansing sa PNP dahil sa pagkakapatay kay Jee ng mga pulis na tiwali.

Makailang beses ko nang pinanunukala na iligpit ang mga kriminal na pulis gaya ng pagliligpit ng mga taong sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Dapat bumuo ang pamunuan ng isang task force na ang tanging gawain ay isalvage ang mga pulis na sangkot sa mga kahindik-hindik na krimen gaya ng kidnapping, murder-for-hire, rape, robbery.

Ang “Task Force Salvage” ay dapat kabibila-ngan ng mga sundalo sa halip na pulis dahil hindi uutas ng kanyang kabaro ang isang pulis.

Wala kasing patutu-nguhan ang mga kaso laban sa mga abusadong pulis kung idadaan sa “due process” dahil nalalagyan ang mga nagdidinig ng kaso.

Nakakapanlumo ang mga karanasan namin sa “Isumbong mo kay Tulfo” dahil halos lahat ng mga kasong tinulungan naming maisampa laban sa mga tiwaling pulis ay nagtatagal o kaya ay nababasura.

Kaya’t tuloy sa kanilang kalokohan ang mga pulis na sinampahan namin ng kaso.

May isang kaso pa nga na hindi nadesisyunan ng korte ang pulis-Pasig na pumatay ng isang teenager sa videoke. Ang pinagmulan ng kanilang alitan ay nag-agawan sila ng mikropono.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Twelve years na binantayan ni “Isumbong” ang kaso sa Pasig Regional Trial Court at sa National Police Commission (Napolcom).
Ang nagbigay ng desisyon ay ang Sanlibutan nang mamatay sa cancer ang pulis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending