Female personality iniihaw ng buhay dahil sa pagiging epal | Bandera

Female personality iniihaw ng buhay dahil sa pagiging epal

Cristy Fermin - January 18, 2017 - 12:15 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

INIIHAW na naman ng buhay ang isang female personality na kung makapagsalita ay akala mo naman meron na siyang napatunayan. Masyado kasing maepal ang babaeng ito, sawsaw nang sawsaw sa mga usapan, matakaw siya sa atensiyon at publisidad.

Pikon ang female personality, konting komento ay patolah na agad siya, marami namang klase ng gulay sa pamilihan pero pinakapaborito niya talaga ang patola.

Kuwento ng isang source, “Akala ko ba, e, wala na dito ang babaeng ‘yan? Di ba, pinauuwi na siya sa bansang pinanggalingan niya ang hitad na ‘yun? Bakit nakakaepal pa rin siya?

“Ang hirap sa babaeng ‘yun na kung anu-ano ang pintas na sinabi laban sa kanyang mga kalaban sa pageant, ang akala niya, e, napakaganda na niya!

“Eksenadora ang babaeng ‘yun, mahilig siya sa publicity, talagang gumagawa siya ng paraan para mapansin lang siya!” iritadong komento ng aming impormante.

Kahit pala nu’ng maging co-host ng isang sikat na male personality ang babaeng ‘yun ay marami nang naiinis sa kanya. Ayon sa mga dati niyang katrabaho ay matindi ang kaartehan ng girl.

“Naku, kabagu-bago pa lang niya nu’n, e, nagparamdam na agad siya ng kamalditahan. Ayaw sa kanya ng mga nandu’n sa dressing room, naaartehan sa kanya, dahil masyado siyang feeling sikat!

“Ayaw pa niyang gumamit ng kahit anong ginagamit ng iba niyang kasamahan, kailangang exclusive lang kuno para sa kanya ang mga ‘yun, bakit hindi siya magdala ng sarili niyang stuff kung ganu’n pala siya kaselan?

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pakainin n’yo kaya ng buong siniguelas ang babaeng ‘yan para matauhan siya?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending