San Beda booters asam ang title sweep | Bandera

San Beda booters asam ang title sweep

Angelito Oredo |January 17,2017
facebook
share this

San Beda booters asam ang title sweep

Angelito Oredo - January 17, 2017 - 12:08 AM

Mga Laro Ngayon
(Rizal Football Field)
8 a.m. Arellano vs Letran (juniors)
10 a.m. San Beda vs St. Benilde (juniors)
12 n.n. Arellano vs LPU (seniors)
2 p.m. San Beda vs St. Benilde (seniors)

MATINDING misyon ang pilit aabutin ng San Beda College sa tangkang pagwawalis nito sa seniors at juniors crown sa pagsagupa sa College of St. Benilde at La Salle-Greenhills ngayon sa 92nd NCAA football tournament sa Rizal Football Field.

Tinalo ng Red Booters ang Arellano University Chiefs, ang kampeon nitong nakaraang taon sa pagtala ng 1-0 desisyon noong Huwebes at agad nitong mawawalis ang daan tungo sa titulo kung magagawa nitong biguin ang Blazers sa ganap na  alas-2 ng hapon na salpukan.

Tinalo naman ng Junior Cubs ang nakatapat na Juniors Chiefs, 4-1, noong Huwebes din at makukumpleto nito ang agad na pag-uwi sa korona at posibleng football double kung mabibigo ang Junior Blazers sa alas-10 ng umaga na laban.

Nagwagi ang San Beda sa lahat ng 11 nitong laban ngayong season kabilang ang dalawa sa Final Four.

Isang panalo na lamang at seselyuhan nito ang ika-22 seniors crown, na pinakamarami sa lahat ng kasaling unibersidad matapos ang dating miyembro na De La Salle University na may 21 titulo.

Asam naman ng juniors squad nito ang ika-17 kampeonato, na maglalapit dito sa tatlong korona na lamang upang maabutan ang La Salle-Greenhills na may 20.

Optimistiko si San Beda coach Michael Pediamonte sa kanilang pakikipagharap sa St. Benilde.

“We’ve been looking forward for this game because we know this will be the most important match of the season for us,” sabi ni Pediamonte.

Ang St. Benilde, na hindi pa natatalo sa Final Four, ay hindi naman basta-basta na lamang aayaw at pilit na itatala ang isang panalo na magbibigay dito ng pagkakataon na makasagupa sa one-game title duel ang San Beda sa Huwebes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending