LPU Lady Pirates hangad lumapit sa Final Four
Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Center)
8:30 a.m. EAC vs MIT (juniors)
10 a.m. EAC vs MIT (men’s)
11:30 a.m. LPU vs UPHSD (women’s)
1 p.m. LPU vs UPHSD (men’s)
2:30 p.m. LPU vs UPHSD (juniors)
LALAPIT pa lalo ang Lyceum of the Philippines University (LPU) sa pinakaaasam nitong unang pagtuntong sa Final Four habang asam ng University of Perpetual Help na mapanatiling buhay ang tsansa sa semis sa kanilang sagupaan ngayon sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.
Ang Lady Pirates ay kasalukuyang nasa No. 3 spot bitbit ang 5-1 panalo-talong record at kung sakaling manalo ito kontra Lady Altas sa ganap na alas-11:30 ng umaga na salpukan ay makakasama nito sa ikalawang puwesto ang Arellano University Lady Chiefs.
Kung magwawagi ang LPU, isang panalo na lang din ang kanilang kailangan para makasama ang hindi pa natatalong San Sebastian College Lady Stags sa Final Four.
“It will be crucial for us because a win will send us closer to achieving our goal, which is to make the Final Four,” sabi lamang ni LPU coach Emil Lontoc.
Matatandaang nabigo ang Las Piñas-based na Lady Altas sa Lady Stags, 22-25, 13-25, 13-25, nitong Miyerkules na ikatlo nitong kabiguan sa katulad na bilang ng panalo.
Isa pang kabiguan ay tuluyang magpapaalam sa torneo ang Lady Altas na ginigiyahan ni coach Sammy Acaylar.
“It will be do-or-die for us from here,” sabi ni Acaylar, na sariwa pa sa pagkakaupo bilang national men’s team coach ng Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc.
Maghaharap naman sa isang no-bearing game ang Emilio Aguinaldo College at Mapua Institute of Technology dakong alas-10 ng umaga.
Magsasagupa naman sa men’s division ang defending champion Perpetual Help (4-1), na pilit kakapit sa ikalawang puwesto, sa pagsagupa nito sa LPU (3-3) ganap na ala-1 ng hapon bago ang sagupaan ng Mapua (4-3), na asam makaagaw ng silya sa semis kontra napatalsik nang EAC (0-7).
Pilit din pananatiliin sa juniors’ division ng LPU (4-0) ang malinis nitong kartada sa pagsagupa sa kasalukuyang kampeon na Perpetual Help (4-1) sa ganap na alas-2:30 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.