Alden wais sa pera, siniguro na ang magandang kinabukasan ng pamilya | Bandera

Alden wais sa pera, siniguro na ang magandang kinabukasan ng pamilya

Cristy Fermin - January 11, 2017 - 12:01 AM

alden richards

KATABING-KATABI lang ng clinic ng sikat na chiropractor na si Dr. Rob Walcher ang ikalawang branch ng Concha’s Restaurant ni Alden Richards sa Scout Madrinan.

Dinadayo ang kanyang resto, kuwento ni Patricia Javier na misis ni Dr. Rob, “Masasarap ang food nila, saka maraming customer. Palagi silang puno, maraming kumakain sa Concha’s.”

‘Yun din ang kuwento ng mga kaibigan naming nagtatrabaho sa Quezon Avenue, sa Concha’s sila nagla-lunch, nagbabaka-sakaling masilip nila ang Pambansang Bae.

“Kaso, kapag nandu’n kami para mag-lunch, e, nasa Eat Bulaga naman siya, kaya hindi rin namin siya nakikita. Sayang, makikipag-selfie sana kami sa kanya!” kuwento ng aming kaibigang taga-BDO.

Magandang humawak ng kanyang kinikita ang sikat at guwapong aktor, alam niya kung saan ilalagay ang kanyang pinaghihirapan, nakahanda na ang kinabukasan ng kanyang pamilya ngayon pa lang.

Maraming artistang binigyan ng oportunidad na sumikat at kumita nang milyunan, pero dahil sa pagpapabaya, marami sa kanila ngayon ang umaamot na lang ng tulong mula sa mga kasamahan nilang artista.

Tama ang disiplina ni Alden Richards, sa maagang panahon pa lang ay napag-aralan na niya ang pagsisinop ng kanyang kinikita, huwag naman sana pero kapag dumating ang panahon ng pangungulimlim ng kanyang career ay meron na siyang masasandalang mga negosyo.

At hindi siya maramot, pinagbibigyan din niya ang mga luho ng kanyang katawan, pero mas mahalaga para kay Alden Richards ang kinabukasan ng kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending