TINATAYANG 1,896 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Iloilo at Negros Occidental matapos suspindihin ang paglalakbay sa karagatan dahil sa pananalasa ng bagyong ’Auring.’
Pansalamantalang itinigil ang biyahe sa Iloilo at Negros Island matapos isailalim sa storm signal no. 1 ang Negros, Guimaras Island at southern Iloilo.
Sinuspinde ng Coast Guard ang biyahe ng mga fast craft na bumibiyahe sa Iloilo at Bacolod at ang roll-on, roll-off (Roro) na mga barko sa Iloilo at Negros Occidental, ayon kay Lt. Cmdr. Ramil Palabrica, Coast Guard Iloilo station commander.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.