San Miguel Beermen asinta ang ika-6 panalo | Bandera

San Miguel Beermen asinta ang ika-6 panalo

Angelito Oredo |January 06,2017
facebook
share this

San Miguel Beermen asinta ang ika-6 panalo

Angelito Oredo - January 06, 2017 - 12:05 AM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Globalport vs Meralco
7 p.m. San Miguel Beer vs Blackwater
Team Standings: San Miguel Beer (5-1); TNT (4-2); Rain or Shine (4-2); Blackwater (4-3); Phoenix (4-3); Globalport (3-3); Star (3-3); Alaska (3-3); Barangay Ginebra (3-3); Meralco (2-4); NLEX (1-5); Mahindra (1-5)

MAHABLOT ang ikaanim na panalo at higpitan ang kapit sa solong liderato ang hangad ng two-time defending champion San Miguel Beermen sa pagharap sa Blackwater Elite sa pagbabalik-aksyon ngayon ng 2016-17 PBA Philippine Cup eliminations sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Una munang magsasagupa ang Globalport Batang Pier at Meralco Bolts sa ganap na alas-4:15 ng hapon bago sundan ng tampok na laban sa pagitan ng Beermen at Elite ganap na alas-7 ng gabi.

Malamang na hindi makasama ng nangungunang Beermen na bitbit ang 5-1 panalo-talong karta si Alex Cabagnot na nagtamo ng bali sa ilong sa pagsagupa nito sa Elite na tangan ang 4-3 kartada. May four-game winning streak ang San Miguel Beer matapos huling mabiktima ang Meralco, 101-86, noong Disyembre 28.

Sasandigan ni San Miguel Beer coach Leo Austria sina June Mar Fajardo at Arwind Santos para sa importanteng panalo dahil sa dikit-dikit ang standing ng 12 koponan na maglalabanan para sa huling walong puwesto sa playoffs.

Kaya mahalaga rin ang laban sa Elite na bubuwelo sa nalasap na 93-97 kabiguan sa Mahindra Floodbuster noong Pasko.

“Expect na magiging mahirap ang lahat ng labanan. Makikita naman natin lahat dikit-dikit ang teams. Maski kami angat lang nang kaunti sa TNT (KaTropa) at Rain or Shine. So kami inaasahan namin ang mahigpit na labanan,” sabi ni Austria.

Asam din ng nasa ikaanim na puwesto na Globalport (3-3) at nanganganib mapatalsik na nasa ika-10 puwesto na Meralco (2-4) na mauwi ang krusyal na panalo para makaiwas na mapabilang sa ilalim at masama sa apat na maagang mapapatalsik sa torneo.

Pilit puputulin ng dalawang koponan ang kamalasan matapos na ang Globalport ay makatikim ng magkasunod na pagkatalo na ang pinakahuli ay ang 86-101 kabiguan buhat sa Phoenix Petroleum noong Disyembre 28 sa kabila na umabante ito ng 26 puntos sa Fuel Masters.

Hangad din ng Meralco na tapusin ang tatlong diretsong kabiguan na ang pinakahuli ay sa San Miguel Beer.

“There is a sense of urgency, yes, because you don’t want to get eliminated. You have to expect better performances from everybody to be able to win some games. Otherwise, you’ll be stuck in the bottom four,” sabi ni Bolts coach Norman Black.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“You have to go back to the process and work hard, that’s all you can do now,” sabi pa ng grand slam coach. “We just have to be better, do better, and get better.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending