Agimat ni Mang Ramon epektib pa rin; Bong, Jinggoy makalaya na kaya ngayong 2017? | Bandera

Agimat ni Mang Ramon epektib pa rin; Bong, Jinggoy makalaya na kaya ngayong 2017?

Cristy Fermin - January 05, 2017 - 12:20 AM

bong revilla ramon revilla sr at jinggoy estrada

DALAWANG taon nang nakapiit ang magkaibigang aktor-pulitiko, kaya maraming tagasuporta nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla na magbabago ang kapalaran nila ngayong 2017, malapit na nga kayang makalaya ang magkaibigan?

Nitong mga huling linggo ay magkasunod na pansamantalang lumabas ng PNP Custodial Center si Senador Bong dahil sa pagkakaospital ng kanyang ama. Nagpapasalamat ang kanyang pamilya sa Sandiganbayan dahil sa pagbibigay sa kanya ng kalayaang makasama si dating Senador Ramon Revilla, Sr. kahit ilang oras lang.

“Ibang-iba ang ngiti ni daddy kapag nagkikita sila ni Senador Bong. Alam mo ‘yung feeling na kahit meron siyang iniindang sakit, e, parang lumalakas ang katawan niya kapag dinadalaw siya ni Senator Bong.

“Iba talaga ang naibibigay ng ganu’n kay Don Ramon, basta nakapaligid sa kanya ang magkakapatid, parang himalang lumalakas siya. Biruan nga nilang magkakapatid, e, gumagana raw ang agimat niya,” kuwento ni Kabsat Portia Ilagan.

Sabi nga, panibagong taon, bagong pag-asa. Hindi humihinto sa pagdarasal ang mga pamilya nina Senador Bong at Senador Jinggoy na magkakaroon na ng pag-asang makalaya ang magkaibigan sa taong ito.

Wala namang masama sa patuloy na paniniwala, lalong walang mali sa pagtimon sa pag-asa na sa taong ito ay magiging maganda na ang sitwasyon, harinawang makalaya na nga ang magkaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending