Showbiz 2016: Suwerte, Kamalasan, Hiwalayan | Bandera

Showbiz 2016: Suwerte, Kamalasan, Hiwalayan

Djan Magbanua, Ervin Santiago - December 31, 2016 - 12:01 AM

showbiz 2016

MAGKAHALONG swerte at kamalasan ang hatid ng 2016 sa mga taga-showbiz industry.

Kung merong mga artistang nagtagumpay sa kanilang career here and abroad, at kung may mga super happy sa kanilang lovelife this year, meron din namang minalas sa pag-ibig.

Narito ang ilan sa mga showbiz personality na masayang-masaya sa pagtatapos ng taon matapos kilalanin ang kanilang ganda, galing at talento sa iba’t ibang panig ng mundo.

JACLYN JOSE: First Filipino actress na nanalo ng Best Actress award mula sa Cannes Film Festival para sa pelikulang “Ma’Rosa”.

PAOLO BALLESTEROS: Best Actor sa Tokyo Film Festival para sa pelikulang “Die Beautiful”. Nakasama rin sa Magic 8 ng 2016 Metro Manila Film Festival ang obra ni Jun Lana.

SID LUCERO: Best Actor sa LA Comedy Festival, ang pinakamalaking comedy festival sa US, para sa pelikulang “Toto.”

DENNIS TRILLO: first Filipino to win the Asian Star Prize para sa role niya bilang Emman sa My Faithful Husband galing sa Seoul International Drama Awards.

JESSY MENDIOLA: She won her first ever international recognition na Best Asia Pacific Star na galing naman sa 5th Asia Pacific Actors Network Star Awards.

BARBIE FORTEZA: Wagi ang Kapuso Teen Princess sa 36th Orporto International Film Festival ng Best Actress para sa convincing portrayal niya bilang isang Badjao sa pelikulang “Laut.”

LAV DIAZ: The coveted Golden Lion award naman ang nakuha ng direktor mula sa Venice Film Festival, isa sa oldest film festival sa mundo para sa kanyang obrang “Ang Babaeng Humayo”, ang comeback film ni Charo Santos-Concio.

CATRIONA GRAY: Kahit hindi niya naiuwi ang korona sa 2016 Miss World, winner pa rin siya para sa sambayanang Pinoy matapos mapasama sa Top 5. Siya rin ang nakakuha ng Multimedia award.

JODI STA. MARIA: Isang malaking karangalan na rin para sa bansa ang ma-nominate ang isang Pinay sa 44th International Emmy Awards sa Best Actress category for her performance as Amor Powers sa remake ng Pangako Sa’yo.

KATCHRY JEWEL GOLBIN: Siya ang viral blind singer who finished third sa France Got Incredible Talent, kung saan napaiyak pa niya ang judges during the audition. Napanood siya noong una ng mga netizen nang kumalat ang video niya na kumakanta sa isang mall sa Iloilo.

ALDEN RICHARDS: Nagkaroon ng international recognition ang Pambansang Bae pero hindi nang dahil sa acting award. Siya lang naman ang naging host sa 21st Asian Television Awards kasama ang ilan pang sikat na Asian artists.

ANNE CURTIS &
ERWAN HEUSSAFF: Bago matapos ang taon, nag-propose ang kapatid ni Solenn Huessaff kay Anne habang nagbabakasyon sila sa Amerika.

BILLY CRAWFORD & COLEEN GARCIA: Tila nainggit naman ang It’s Showtime at Pinoy Boyband Superstar host kina Anne at Erwan kaya nag-propose na rin siya kay Coleen.

RUFA MAE QUINTO & TREVOR MAGALLANES: Sa wakas, natupad na rin ng sexy-comedienne ang matagal na niyang pangarap na maikasal sa kanyang pinakamamahal na boyfriend. Buntis na ang komedyana nang rumampa patu-ngong altar.

ROSANNA ROCES & BLESSY ARIAS: Sa kabila ng pagbatikos sa same sex marriage ng mga moralista, itinuloy pa rin ni Osang ang pagpapakasal sa kanyang lesbian partner. Isa sa tumayong ninang nila ang Superstar na si Nora Aunor.

MELAI CANTIVEROS & JASON FRANCISCO: Matapos maghiwalay, nagkabalikan din ang mag-asawa matapos mag-usap nang masinsinan. Hindi hinayaan ni Melai na tuluyang masira ang pagsasama nilang mag-asawa dahil mahal na mahal daw niya si Jason.

q q q

WALANG forever. ‘Yan ang pinatunayan ng ilang celebrity couple matapos magkanya-kanya ng landas at tuluyan na ngang maghiwalay.

SUNSHINE DIZON & TIMOTHY TAN: Inakusahan ng Kapuso actress ang kanyang asawa ng pa-ngangaliwa. Sinampahan niya ng kaso si Timothy pati na rin ang diumano’y kabit nito. Humingi na ng sorry si mister kay misis ngunit tuloy pa rin ang kanilang kaso.

JANINE GUTIERREZ & ELMO MAGALONA: Nalungkot ang fans ng dalawa nang kumalat ang balitang break na sila. Nangyari ito ilang buwan matapos lumipat si Elmo sa ABS-CBN at layasan ang GMA. Itinambal ang binata kay Janella Salvador na pinaniniwalaang isa sa dahilan kung bakit nagdesisyon na ang ex-couple na magkanya-kanya na.

CIARA SOTTO & JOE OCONER: Ginulat ng anak ni Sen. Tito Sotto ang mundo ng social media nang umamin itong nilayasan na niya ang kanyang asawa. Kasabay nito, kumalat ang chika na si Valeen Montenegro raw ang dahilan ng hiwalayan ngunit itinanggi ito ng kampo ng aktres..

DENISE LAUREL & SOL MERCADO: Engaged na ang dalawa ngunit nagdesisyong huwag nang ituloy ang kasal. Mismong si Denise ang nagkumpirma ng break-up isang araw matapos manalo ang team ni Sol sa PBA (Barangay Ginebra) Governor’s Cup championship.

BEA ALONZO & ZANJOE MARUDO: Maraming nanghinayang sa kanilang relasyon, inakala kasi ng kanilang mga kaibigan at fans na pang-forever na ang kanilang samahan. Kumalat ang tsismis na si John Lloyd Cruz daw ang rason ng kanilang paghihiwalay.

JOHN LLOYD CRUZ & ANGELICA PANGANIBAN: Si Bea Alonzo ang itinutu-rong dahilan naman ng break-up nina Angelica at Lloydie. Ngunit mabilis na dinenay ng aktor ang balita. Aniya, “It’s always hard to go into details. It’s almost impossible, kasi it’s too personal.”

GAB VALENCIANO & TRICIA CENTENERA: Halos isang taon lang tumagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ayon sa tsismis, pera at third party daw ang dahilan ng break-up ngunit wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa. Tatlong beses nangpakasal sina Gab at Tricia: civil wedding sa US, at dalawa sa Pilipinas – sa Tagaytay at sa Boracay.

ANGEL LOCSIN & LUIS MANZANO: Naghiwalay, nagbalikan, naghiwalay uli! Love is not sweeter pala para sa dalawa matapos maghiwalay sa ikalawang pagkakataon. Si Jessy Mendiola naman ang sinasabing rason kung bakit naghiwalay ang dalawa.

DONITA ROSE & ERIC VILLARAMA: Pinilit pang sagipin ng mag-asawa ang kanilang 13 taong relasyon pero wala ring nangyari. Ang long distance relationship daw ang isa sa dahilan ng kanilang break-up ngunit hindi mamatay-matay ang tsismis na may third party din na involved.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

q q q

BARON GEISLER & PING MEDINA: Kung may isang artista na talagang nabiktima ng matinding kamalasan, ‘yan ay walang iba kundi si Baron. Matapos niyang ihian si Ping sa isang eksena nila sa shooting ng indie movie na “Bubog”, agad siyang pinarusahan ng Professional Artist Managers Inc. (PAMI). Nagdesisyon ang mga talent manager na miyembro ng PAMI na hindi na nila payagan ang kanilang mga alagang artista na makatrabaho si Baron.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending