Weekly Relays isasagawa ng Patafa sa buong Pilipinas
ISASAGAWA na rin ni Philippine Athletics Track and Field (Patafa) chief Philip Ella Juico ang programa nitong Weekly Relays sa Luzon, Visayas at Mindanao upang mas maituro ang teknikalidad, tamang paglalaro at makadiskubre ng mga bagong talento para sa pambansang koponan.
Katulong ang dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman na si Aparicio Mequi ay isinagawa ng Patafa ang Street Athletics sa Dumaguete para maengganyo ang mga out-of-school na kabataan na unti-unting nagiging popular sa siyudad.
Kaya naman nais ni Juico na isagawa rin sa iba’t-ibang probinsiya ang weekly relays na nakapagdebelop ng bagong national record sa men’s triple jump mula kay Mark Harry Diones.
Ang 22-anyos na si Diones, na mula sa Libmanan, Camarines Sur, at una nang nagtala ng ilang record sa NCAA habang kabilang sa Jose Rizal University, ay tinabunan ang dating 16.12 meters na itinala ni Joebert Delicano noong 2009 Laos Southeast Asian Games sa nilundag nito na 16.29m sa weekly relays sa PhilSports Complex sa Pasig City nito lamang nakaraang Nobyembre.
Dahil sa kanyang nagawa ay nakasiguro si Diones ng kanyang puwesto sa national team na nakatakdang lumahok sa 2017 Southeast Asian Games sa Malaysia. Kailangan ni Diones na mapanatili ang kanyang talon upang agad mapabilang sa delegasyon.
Isa rin sa nakitaan ng potensiyal ang 19-anyos na si Aira Teodosio mula sa University of Santo Tomas na nagbura sa isang national juniors record sa weekly relays nitong nakaraang Agosto matapos na itala ang 40.70 metro sa discus throw upang burahin ang 37.51 metro na itinala ni Jessah Fernandez noong 2013 UAAP season.
“We are planning to do the Weekly Relays on a regular basis,” sabi ni Juico sa plano nito na isagawa ang programa sa mga probinsiya ng Mindanao, Visayas at Luzon.
“We all know that talents are no longer in the urban areas so we have to scrape the provinces to find it,” sabi ni Juico. “That is why we might bring it to Mindanao particularly in Cotabato where our coordinator there, Henry Dagmil, will help us organize it. We’re also looking at holding it in Visayas, probably Cebu or Bacolod as well as in Bicol in Legazpi and up North in Isabela.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.