(Movie Review) SAVING SALLY: Pelikula para sa 'thinking Pinoy' | Bandera

(Movie Review) SAVING SALLY: Pelikula para sa ‘thinking Pinoy’

Bella Cariaso - December 28, 2016 - 02:36 PM

SAVING SALLY

 ‘Animation ang pelikula pero seryoso ang kwento at hindi pambata’

HINDI binigo ng mga nasa likod ng pelikulang “Saving Sally” ang mga manonood sa ganda nang pagkakagawa matapos namang mapabilang sa walong opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ipinakikita sa pelikula na kaya ring gumawa ng animation film ng mga Pinoy, kung saan hinigitan pa ito matapos samahan ng mga buhay na mga karakter, na pinangunahan nina Rhian Ramos (Sally) at ni Enzo Marcos (Marty).

Futuristic ang tema ng pelikula,na isa ring kwento ng pag-ibig.

Bagamat animation ang pelikula, seryoso ang kwento ng pelikula kaya parang hindi rin ito pambata.
Masasabi kong ang thinking Pinoy ang pangunahing target audience ng pelikula.

Medyo mahaba rin ang pelikula kaya kung hindi ka sanay manood ng ganitong tema ng pelikula ay maiinip ka.

Kapwa naman magaling sina Rhian at Enzo sa kanilang mga papel.

Saludo naman ako sa pagiging malikhain ng mga nasa likod ng Saving Sally dahil hindi biro ang kinakailangang trabaho para sa paggawa ng animation.

Dahil kwento ito ng pag-ibig, hindi rin naman bibiguin ang mga manonood sa ending ng pelikula kung saan kagaya ng sikat na mga Disney movies, happy ending din para sa mga bida.

Sa iskor na 1 hanggang 10, kung saan 10 ang pinakamataas, bibigyan ko ang Saving Sally ng iskor na 10 dahil sa pagpapakita nito ng kakaibang talino ng mga Pinoy.

Panoorin para malaman n’yo ang sinasabi ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending