Bagyo sa Pasko | Bandera

Bagyo sa Pasko

John Roson - December 22, 2016 - 06:01 PM
pagasa Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga insidente na maaaring maganap kaugnay ng paghagupit ng bagyo sa Bisperas at Araw ng Pasko. Ayon kay NDRRMC executive director Ricardo Jalad, inaasahang papasok sa kalupaan ang bagyong “Nina” sa Disyembre 24 o 25, at maaaring unang tatamaan ang Bicol region. “Moderate to heavy rains which may trigger flashfloods and landslides are expected over areas along Nina’s path,” ani Jalad. Nagbabala ang NDRRMC na magiging mapanganib ang pagbiyahe sa dagat sa hilagang bahagi ng Luzon, at posibleng magkaroon din ng pagdaloy ng lahar sa mga komunidad na malapit sa bulkan. “The public is advised to stay vigilant this holiday season, head the advise of LGUs (local government units), and monitor weather updates,” aniya pa. Kaugnay nito aniya ay patuloy na mino-monitor ng mga member-agency ng NDRRMC ang pagpasok ng bagyo at inalerto ang local disaster management councils. Inaasahang makalalabas si “Nina” ng bansa sa Lunes o Martes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending