Pacquiao galante sa mga kapuspalad na Pinoy; opisina sa senado laging 'pila-balde' | Bandera

Pacquiao galante sa mga kapuspalad na Pinoy; opisina sa senado laging ‘pila-balde’

Cristy Fermin - December 23, 2016 - 12:10 AM

MANNY PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

HINDI na kailangang dumating ang Pasko para magbigay ng regalo ang isang taong natural nang may busilak na puso. Pasko o hindi ay palaging bukas ang kanyang mga palad sa pagpapasaya at pagtulong sa kanyang kapwa.

‘Yun si Senador Manny Pacquiao para sa mga kababayan niya sa General Santos City, mula Enero hanggang sa katapusan ng taon ay nandiyan lang siya para dumamay sa mga pangangailangan ng mga kababayan niya, hindi pinagbago ng kasikatan at kayamanan ang Pambansang Kamao.

Kuwento ng mga kaibigan naming nagtatrabaho sa Senado ay ang room ni Senador Pacquiao ang palaging pinipilahan ng mga kababayan nating nangangailangan ng ayuda.

Sabi pa nito, “Sa Senate, alam na alam mo kung sino ang mambabatas na madaling lapitan. Palaging may pila sa kuwarto-opisina niya. ‘Yung mga kilalang sarado ang mga palad, walang kapila-pila!

“E, si Senador Manny, hindi nawawalan ng pila sa office niya. Madali kasi siyang hingan ng tulong, maraming nagpupuntahan sa kanya dahil napakabukas ng palad niya,” sinserong kuwento ng aming source.

Kaya naman patuloy ang pagbaha ng mga biyaya para sa ating kampeong boksingero, lahat ng tulong na ibinibigay niya ay ibinabalik din sa kanya ng kapalaran, mas maraming-maraming doble pa nga.

Katwiran ni Pacman, kapag nawala tayo sa mundo ay walang-wala tayong madadala, ang tanging maiiwanan lang natin ay ang magagandang alaala mula sa mga taong minsan isang panahon ay nasagip natin sa matinding kagipitan.

Tama!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending