Horoscope, December 21, 2016 | Bandera

Horoscope, December 21, 2016

Madam Sophia - December 21, 2016 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mahaba pa ang buhay at marami pang Paskong darating kaya hindi dapat na maging labis na galante. Magsimula ka nang mag-save at paghandaan ang future ng pamilya. Sa pag-ibig, papalamig na ang simoy ng hangin kaya yakaping lagi ang giniginaw na kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.” Blue at lilac ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pinansyal, wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa pag-ibig, habang nalalapit ang kapaskuhan ay mas lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Yayaman ka, kung bago matulog hanggang sa makatulugan ay bigkasin ang mahiwagang kataga: “Ako’y yayaman….Yayaman ako!” Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang nasabing orasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Om-Yasoda-Om.” Red at gold ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag magtanim ng galit kahit kanino upang patuloy na lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyong Sagittarius, tutal nangako naman siyang hindi na uulit. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Gray at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Upang muling uminit ang pagmamahalan, kailangan kang magpatawad. Sa pinansyal, tandaang hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansyal, lumabas ka ng bahay para magkapera ka. Sa pag-ibig, panay ang awat sa iyo ng kasuyo, pero ang totoo – gustong-gusto naman talaga niya! Mapalad ang 4, 17, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Namoh-Nameh-Om.” Blue at magenta ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Habang tinitigasan mo ang iyong loob, lalo ka lang malulugi. Kailangan mong pairalin ang diplomasya upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hayaan ang kasuyong Cancer naman ang masunod. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padme-Om-Padme-Om.” Yellow at orange ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Kapag maganda ang kapaligiran ay lalo kang susuwertehin at lalong gaganda ang iyong kapalaran. Kapag in-love ka, ganoon din ang mangyayari, maraming suwerteng darating. Kaya tandaan, bawal magalit at bawal din ang pangit. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansyal, habang nagpapakabuti lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Pisces, may magandang kapalaran kang makukuha mula sa kanya. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tuwing magdarasal, magsindi ng kandilang kulay pink. Sa ganyang paraan, susuwertehin ka sa salapi, liligaya pa sa pag-ibig at kusang matutupad ang iyong hiling at mga mithiin. Mapalad ang 3, 9, 21, 34, 39 at 44. Mahiwag mong mantra: “By the power of the candle, By the power of light, All these luck, So be mine.” Bukod sa pink, buenas din ang red.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Iwasan ang pagkukuwari upang mas madali makuha ang tiwala ng mga kliyente. Sa pag-ibig, kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lolokohin. Mapalad ang 4, 13, 16, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa ibang bansa, mas magiging maligaya sa aspetong pag-ibig at pang-pinansyal. Umpisahan nang mag-aplay sa abroad sa darating na taong 2017. Sa pag-ibig, upang hindi mapahamak, iwasan ang ka-imoralan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Green at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Kung sa iyo talaga nakalaan ang magandang kapalaran, kusa sa iyong mapupunta ang nasabing bagay. Sa pinansyal ay ganoon din, ang mahalaga, magnegosyo ka upang umunlad. Sa pag-ibig ay ganoon din, sa mga huling araw na ito sa taong 2016, kusang babalik at muling iinit ang nausyaming relasyon. Mapalad ang 2, 11, 25, 32, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Red at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending