Duterte nagbantang 5-6 death convict sasalang sakaling maibalik ang death penalty | Bandera

Duterte nagbantang 5-6 death convict sasalang sakaling maibalik ang death penalty

- December 18, 2016 - 03:41 PM

duterte3-0802

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na lima hanggang anim ang kanyang ipabibitay araw-araw sakaling maibalik na muli ang death penalty sa bansa.

“Ibalik mo sa akin yan, ako ang mag… araw-arawin ko yan, lima o anim. Totoo. Kaya ko hinihingi kasi talagang hihiritan kita. Eh kung ayaw niyo ibalik ang death penalty, eh di ibang hirit tayo,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos dumalo sa ika-38 kaarawan ni Sen. Manny Pacquiao sa KCC Convention and Events Center sa General Santos City noong Sabado ng gabi.

Ito’y sa harap naman ng pagsusulong ni Duterte na maisabatas muli ang parusang kamatayan sa bansa.

“You want it legal, fine; you destroy my country, I destroy you. Wala na tayong pinag-usapan dito,” ayon pa kay Duterte.

Kasabay nito, muling binanatan ni Duterte ang mga dilawan na aniya’y nais magpatanggal sa kanya.

“Yung mga demonstration, human rights. Yang mga yellow, gusto nila akong tanggalin,” ayon pa kay Duterte.

Sinabi ni Duterte na alam na niyang maraming adik sa Davao at maging sa buong Pilipinas nang italaga siya ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang consultant sa public order and security.

“And I had a good chance of reviewing all what was there before us at alam ko talaga na seryoso na ang problema,” ayon pa kay Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na mula sa tatlong milyong adik, aabot na sa apat na milyon ang gumagamit ng droga sa bansa sa katapusan ng taon.

“Si Bato (Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa), he said it has reached 900. I am sure that before the year ends, I would have breached the million mark,” ayon pa kay Duterte

Sinabi pa ni Duterte na hindi rin siya nababahala sa mga banta na siya ay mai-impeach o mamatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So kung sabihin ninyong tinatakot ninyo ako, na hanggang isang taon ka lang o ma-impeach ka o mamatay ka, so be it. Hanggang doon talaga ang destiny ko, na ma-Presidente ako ng isang taon lang at mamamatay, o ma-Presidente ako at tanggalin ako sa… go ahead, no regrets ako. Alam ko yan, nag-Presidente ako, hanggang diyan lang ako,” sabi pa ni Duterte.

Nangako si Duterte na hindi siya titigil hangga’t hindi nauubos ang pusher at drug lord sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending