Nora naglabas ng sama ng loob sa party ng MMFF | Bandera

Nora naglabas ng sama ng loob sa party ng MMFF

Ambet Nabus |December 18,2016
facebook
share this

Nora naglabas ng sama ng loob sa party ng MMFF

Ambet Nabus - December 18, 2016 - 12:10 AM

NORA AUNOR

NORA AUNOR

KAKAIBA rin minsan ang mga hirit ni Superstar Nora Aunor. Tulad na lang sa ginanap na “omnibus” get together at pa-party ng Metro Manila Film Festival Committee at Metro Manila Development Authority para sa media.

Si Ate Guy ang bida sa MMFF entry na “Kabisera” kung saan makakasama niya sina Ricky Davao, Jason Abalos, JC de Vera at marami pang iba.

Nagmistulang “pot lock party” ang event dahil nag-ambag-ambag nga ang bawat entry na kasali sa filmfest at may paandar pa silang pa-raffle. Present kasi sa party ang ilan sa members ng cast at production staff.

Sa gitna nga ng kasiyahan ay may isang nagtanong kay Ate Guy kung bakit hindi na siya nakasali sa isa pang MMFF entry na “Oro” na pinalitan nga raw ni Irma Adlawan.

Sey ng Superstar, “Nag-shoot po kami ng isang araw sa Caramoan, Camarines Sur. Then after nu’n, wala na akong nabalitaan. Wala nang nagsabi sa akin. Pinalitan na pala ako.”

Natensyon ang lahat dahil seryoso ang magaling na aktres nang turan nitong parang nabastos naman siya at iniwan na lang basta sa ere, “Mabuti na po ‘yung kinlaro natin ngayon,” hirit pa nito sa nagtangkang pigilan siya for the spirit of Christmas ay huwag umano itong magalit.

Hirit ni Nora na medyo sarcastic na, “Hindi, hindi naman. Ikaw ba naman ang hindi na balikan after mong mag-shoot, hindi ka nga magagalit?”

Wala namang naglakas-loob mula sa kampo ng “Oro” na klaruhin ang nasabing isyu. Basta ang sey ni Ate Guy, “Isa na sa pinakagandang nagawa kong movie ang ‘Kabisera’. Makabuluhan at napapanahon.”

Napag-alaman namin na ang “Kabisera” ang ika-23 entry ni Ate Guy sa MMFF. Pagpapatunay ng kanyang pagiging reyna ng taunang pestibal.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending