‘Seklusyon’ mananakot sa MMFF 2016
SPEAKING of “Seklusyon”, tuwang-tuwa naman ang buong produksyon ng pelikula dahil sa bonggang review ng American digital magazine na The Hollywood Reporter. Ito lang ang kaisa-isang horror movie na mapapanood ngayong taon sa MMFF.
Ayon kay Clarence Tsui ng nasabing digital magazine, “A grainy, gory parable about the triumph of evil. While having already used his previous films to chastise the rampant corruption and cynicism in his country, Matti offers up an even more furious fable in his new film.”
“But credit to Matti for rescuing Seclusion out from the ordinary and its pulpy roots. Infusing the widescreen imagery with grainy textures reminiscent of the scary movies from the celluloid era, the director — in partnership with cinematographer Neil Derrick Bion and production designer Ericson Navarro — manages to establish a sufficiently eerie ambience for the evil spirits to wreak havoc in,” sabi pa sa nasabing review.
Dagdag pa ng writer, “The film is Matti’s call for an awakening, and it certainly stirs with spine-tingling moments aplenty.”
Bago maging ganap na pari, sinasabing sa huling pitong araw ay gagawin ng demonyo ang lahat upang iligaw ng landas ang isang dyakono para hindi ito maging pari. Noon ay pinapadala sa isang bahay seklusyon ang mga dyakono upang mailayo at mailigtas sa tukso ng demonyo.
Yan ang kwentong tatakbuhin ng “Seklusyon”. Kwento ito ng apat na dyakono na haharap sa isang matinding pagsubok ng kanilang pananampalataya na gagampanan nina Dominic Roque, John Vic De Guzman, J.R. Versales at Ronnie Alonte.
Ang “Seklusyon” ay isinulat ni Anton Santamaria at kasama rin sa cast sina Lou Veloso, Neil Ryan Sese, Elora Espano, Jerry O’ Hara, Teroy Guzman at ang batang actress na si Rhed Bustamante na gaganap bilang miracle healer na si Angela. In fairness, puring-puri ni direk Erik ang bagets dahil sa napakagaling na performance nito sa nasabing movie.
Ipinakikilala naman sa pelikulang ito si Phoebe Walker na gumanap naman bilang si Madre Cecilia. Kung matatandaan, si Phoebe ang itinanghal na grand prize winner sa nakaraang season ng Amazing Race Philippines.
Abangan ang nag-iisang horror film entry na ito sa darating na Dec. 25, mula sa Reality Entertainment ni Dondon Monteverde.
Sa grand presscon pa rin ng “Seklusyon”, ikinuwento ni Dominique ang tungkol sa ginawa niyang love scene at butt exposure sa pelikula.
“Actually, ang ganda nu’ng pinanood namin yung buong movie ng international cut. Iba yung pagka-intense ng mga eksenang natanggal. Kahit ako po, yun siguro yung pinakamalalang eksenang ginawa ko sa showbiz po,” kuwento ng aktor.
Nang tanungin tungkol sa pinagdaanan niyang “butt audition”, “Makinis naman daw po (puwet). May audition kasi yung puwet, e. Titignan kung ano yung pinaka-okay!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.