Ilang fans ni Sarah imbiyerna kay Jona; MMFF entry ni Uge damay sa isyu
NANG-AAWAY raw ngayon ang ibang supporters ni Sarah Geronimo.
May kinalaman ito sa pagkuha kay Jona upang kantahin ang “Forever’s Not Enough” na theme song ng Eugene Domingo filmfest entry na “Ang Babae sa Septic Tank 2 #ForeverisNotEnough”. Bakit daw si Jona ang kumanta ng hit song ni Sarah, huh!
Ang nakakaloka pa, pinagbibintangan si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films na ginagamit daw sa promo si Sarah para sa kanilang MMFF entry. Ngunit hindi na lang sila pinapatulan ng lawyer-producer.
Feeling ng ilang supporters ng Pop Royalty, kay Sarah ang kanta. Maang-maangan silang ang composer ang may-ari ng kanta at hindi si Sarah, huh!
Malaking factor ng kanta sa movie na isang satire sa usong romantic-comedy films ngayon. Kaya ‘yun ang kantang napili para maging bahagi ng “ABSST 2.”
Maganda kasi ang feedback sa version ni Jona. Nagkakaroon siyempre ng comparison na for sure ay hate ng ibang fans ni Sarah, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.