Kilalang male star iniiwan ng mga nagiging dyowa dahil sa epal na nanay
PARANG oo na parang hindi naman pala ang naging sitwasyon nu’n ng nagkahiwalay na aktor at aktres.
Nagtagal din sila, pero dahil sa pagiging mama’s boy ng aktor, mas pinili na lang ng aktres na mapag-isa.
Mapagmahal na anak ang aktor, pero kahit sa kanyang pakikipagrelasyon ay kinakabog nu’n ang pagmamahal niya sa kanyang girlfriend, ‘yun ang madalas na dahilan kung bakit wala siyang nagtatagal na karelasyon.
Kuwento ng aming source, “Kung pagmamahal sa magulang ang pag-uusapan, e, wala nang tatalo pa kay ____ (pangalan ng nagdadrama at nagpapaka-action star ding male personality). Matindi siyang magmahal!
“Pero tama bang hanggang sa pakikipagrelasyon niya, e, mas matimbang pa rin ang pagsunod niya sa kung ano ang gusto ng mommy niya? Kunwari, e, may date sila ng girlfriend niya, biglang tatawag ang mommy niya at magpapasama sa kung saan, kawawang girlfriend!
“Siguradong tatablahin siya ng boyfriend niya, wala siyang choice kundi nganga, dahil ang mommy niya ang sasamahan nu’ng guy at ilalaglag ang date nila.
“Palaging ganu’n, madalas na mangyari ang ganu’n, kaya isang araw nu’ng mapuno na ang girl, tinalak-talakan niya ang boyfriend niya! Naglabas ng mga sama ng loob ang girl, talagang sinabi niya ang napi-feel niya, sabay babu sa lalaki!” kuwento ng aming impormante.
Ganu’n din ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang male personality at ang isa pang aktres, ang ina na naman ng lalaki ang dahilan, nakikipagkumpetisyon kasi ito sa mga nakakarelasyon ng kanyang anak.
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, walang magtatagal na girlfriend ang lalaking ‘yun, nakakapag-alala nga, baka tumandang-binata na lang siya!
“Mismo! Nakaka-haggardous naman ang ganu’n talaga, promise! Getlak n’yo na kung sino ang bumibida sa ating story?” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.