Duterte ibinuko na mistah ni Bato si Supt. Marcos; tahasang idinawit si Marcos sa droga | Bandera

Duterte ibinuko na mistah ni Bato si Supt. Marcos; tahasang idinawit si Marcos sa droga

- December 14, 2016 - 06:58 AM

duterte-bato

PHNOM PEHN, CAMBODIA— IBINUKO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaklase ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa ang kontrobersiyal na si Supt. Marvin Marcos, kasabay ng pagsasabi na sangkot nga ang ibinalik sa puwesto na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8.

 “You know, Marcos, classmate niya (dela Rosa). So—Sa PMA. Mistah niya eh. Pero I believe in his good faith. Pinalitan niya lahat ‘yung mga pulis ng umupo siya, that were tainted with drugs. But he never knew na pati pala ‘yung mistah niya, nilagay niya doon sa pwesto, may bukol rin,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga miyembro ng Filipino community sa Cambodia kagabi.

Matatandaang inamin ni Duterte na siya ang nagpabalik sa puwesto kay Marcos sa kabila naman ng pagkakasangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. sa loob ng provincial jail noong Nobyembre 5.

“So ‘nong nalaman ko, sabi ko, totoo ‘yun. Ako ang nagsabi. Huwag mo ng tanggalin ‘yan. Tutal ikaw lang rin naglagay niyan. Hayaan natin. Tingnan ko kung hanggang saan ang na-contaminate niya. He was a regional CIDG. Kung ilan ang pulis na nakuha niya,” ayon pa kay Duterte.

Idinagdag ni Duterte na nag-sorry pa sa kanya si dela Rosa matapos ang pagkakasangkot ng kanyang kaklase sa Philippine Military Academy (PMA) sa droga.

“Sinabi ko lang hayaan mo na lang. At pinuntahan niya ako na, ‘Sir sorry talaga ‘yung… hindi ko akalain classmate ko pa naman ito, mistah ko. Nandiyan rin pala sa droga.’ ‘O sige hayaan mo,’” dagdag pa ni Duterte.

 Sinabi pa ni Duterte na inatasan na lamang niya si dela Rosa na alamin kung sino-sino ang kasabwat ni Marcos.

“If he could corrupt everybody in his, in the western side of the Visayas, from Bohol, Leyte, Samar, including Cebu. Sila ‘yun and ano bang problema ninyo? We have covered, simultaneous. Live cast ito sa Philippines,” ayon pa kay Duterte.

Iginiit naman ni Duterte na paniniwalaan pa rin niya ang mga pulis na nakapatay kay Espinosa hanggat hindi sila napapatunayang guilty sa kasong murder na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa kanila.

“Eh kung talagang lakarin ko ‘di sabihin ko sa NBI palabas mo na lumaban. But sabi ng NBI ngayon murder. Well, sabi ko unless there is a case filed and convicted. I would still believe the police and even the military for that matter,” giit ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending