Paul Lee napiling PBA Player of the Week | Bandera

Paul Lee napiling PBA Player of the Week

Angelito Oredo - December 12, 2016 - 11:00 PM

MATAPOS manibago sa kanyang laro sa unang dalawang pagsabak para sa Star sa pagsisimula ng liga ay unti-unting naibalik ni Paul Lee ang kanyang maangas na dating porma upang pangunahan ang Hotshots sa magkasunod na panalo upang kilalanin bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Naipagpag ng 6-foot guard na si Lee ang kanyang kamalasan noong Miyerkules matapos nitong ipasok ang apat na triples upang tumapos na may 20 puntos, pitong assists at limang rebounds sa panalo ng Star sa NLEX Road Warriors, 99-75.

Ang panalo ay una ng Star matapos na simulan ang Philippine Cup sa 0-2 at maibigay din sa bago nitong coach na si Chito Victolero ang una nitong panalo habang nakamit ni Lee ang kasayahan sa unang pakikipagsagupa nito kontra sa kanyang dating coach na si Yeng Guiao na siya ngayong NLEX coach.

Tatlong araw ang lumipas ay nagtala si Lee ng 18 puntos, apat na assists at tatlong rebounds
upang pamunuan ang matinding opensiba sa unang hati ng Star tungo sa 44 puntos na demolisyon ng Phoenix Fuel Masters, 123-79.

Ang No. 2 overall pick noong 2011 PBA Draft ay nagtala ng all-around game averages na 19 puntos, 5.5 rebounds at 4.0 assists upang iuwi ang Player of the Week citation.

kung saan tinalo nito sina Star teammates Jio Jalalon, Mark Barroca at Allen Maliksi, Meralco Bolts guards Ed Daquioag at Chris Newsome, Alaska Aces forward Calvin Abueva, San Miguel Beermen frontcourtmen Arwind Santos at June Mar Fajardo, Rain or Shine Elasto Painters starters James Yap at Raymund Almazan pati na rin ang GlobalPort Batang Pier guard Terrence Romeo.

Ang pagbalikwas ni Lee ay inaasahang magiging maigting na preparasyon sa Star na haharapin ang kanyang dating koponan na Rain or Shine sa unang pagkakataon ngayong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending