SINIBAK si Chief Insp. Jovie Espenido bilang police chief ng Albuera, Leyte, isang buwan matapos siyang pangalanan ng drug lord na si Kerwin Espinosa na naging tulay niya kay Ronnie Dayan, ang umano’y bagman at dating boyfriend ni Sen. Leila de Lima.
Itinapon si Espenido sa Ozamiz City, Misamis Occidental epektibo noong Disyembre 8.
“I don’t know if this is a reward or a punishment after what I have accomplished in Albuera,” sabi ni Espenido. “But I am a police officer, so I have just to follow the order.
Pinirmahan ni Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa ang transfer order.
Sinabi ni Espenido na hindi niya alam kung bakit siya tinanggal sa puwesto matapos siyang italaga noong Hulyo 18.
Idinagdag ni Espenido na posibleng ilang pulitiko ang nasa likod ng kanyang pagkakasibak.
“I guess some of our politicians,” sabi pa ni Espenido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.