Male celebrity naging lasenggo dahil sa sosyalerang dyowa; apektado na ang trabaho
ISA lang ang itinuturong dahilan ng mga nakakatrabaho ng isang male personality kung bakit siya palaging naglalasing ngayon. Ang bagong babaeng nauugnay sa kanya.
BI, as in bad influence daw, ang nasabing babae sa buhay ng aktor. Hindi pa man sigurado ay ‘yun na agad ang pumasok sa isip ng mga miron na naninibago sa palaging paglalasing ngayon ng male perso-nality.
Sa isang pagkakataon ay pinagmitingan na pala ng buong produksiyon ang pagdating ng aktor na nakainom siya. Hindi naman siya nanggugulo pero apektado ang kanyang trabaho dahil sa kanyang pagkalango.
Ibang-iba ang kanyang pag-arte kapag hindi siya lasing, palaging take one lang ang male personality, kaya pinlano pa nga sana ng kanyang network na bigyan ng leksiyon ang aktor.
Kuwento ng aming source, “Pasalamat siya at nahilot pa ang problema sa kanya ng production. Ewan nga ba kung bakit siya nagkakaganyan nga-yon, e, dati naman, kahit nu’ng matindi ang perso-nal problem niya, e, hindi naman siya nagkaganyan?
“Naging magulo ang personal life niya, kung anu-ano ang nangyari sa kanila ng ex niyang naanakan pa nga niya, pero wala namang ganyang kuwento tungkol sa kanya!
“Nagtatrabaho siya nang maayos, hindi dumarating na lasing, kaya maraming nawiwindang sa mga nangyayari sa kanya ngayon,” may malasakit ang tono ng nagkukuwento.
Dahil may isang bagong babaeng nali-link ngayon sa aktor ay ito ang sinasabing dahilan kung bakit nahihilig siya sa pag-inom. Socialite kuno ang girl, ito raw ang magiging bad influence sa kanya, kaya maraming nagsasabi na sana’y magkahiwalay na sila habang maaga pa.
Pagtatapos ng aming impormante, “Sayang, ang galing-galing pa naman niyang umarte, balita ngang kinainsekyuran pa siya ng bumibida sa isang sikat na serye, di ba?
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang aktor na itey, promise!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.