MMFF nakahanda na raw kung sakaling hindi maabot ang P1-B target na kita sa 2016 MMFF | Bandera

MMFF nakahanda na raw kung sakaling hindi maabot ang P1-B target na kita sa 2016 MMFF

Ambet Nabus |December 11,2016
facebook
share this

MMFF nakahanda na raw kung sakaling hindi maabot ang P1-B target na kita sa 2016 MMFF

Ambet Nabus - December 11, 2016 - 12:25 AM

viber image

SINADYA naming puntahan ang presscon ng Metro Manila Film Festival sa imbitasyon ni Wilson Flores dahil naroon ang ilang miyembro ng screening committee at mga producer at direktor na may entry sa taunang filmfest.

Masaya at makabuluhan ang itinakbo ng usapan at aminado ang lahat na para silang nanganganay sa mga pagbabago sa sistema ng MMFF.

Magaganda ang mga suhestiyon ng mga kasama sa media at very liberal at open naman ang mga ehekutibo ng MMFF na gawin ang mga ito.

Marami silang nilinaw na isyu kasama na ang walang palakasan, walang “first day, last day” sa mga kasaling pelikula, non-conflict of interest na ibinabato sa co-member nilang si Wilson Tieng, ang pagkakaroon ng parada, awards night at marami pang iba.

Agresibo at progresibo ang approach ng mga committee sa pagtitiyak na ibang-iba ang pestibal sa taong ito.

Hindi man daw nila ma-meet ang target nilang P500 million to P1 billion gross para mas malaki ang maibigay sa mga beneficiaries ng MMDA at MMFF, lagi naman daw silang may back-up plan o ibang sources para rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending