Ping nagsampa na ng reklamo laban kay Baron sa PAMI
BALITANG nagsampa na ng reklamo si Ping Medina sa Professionals Artists Manager, Inc. (PAMI) laban kay Baron Geisler matapos ang naganap na “pissing incident” sa shooting ng kanilang indie film kamakailan.
Nais ni Ping na maturuan ng leksiyon si Baron para hindi na maulit ang insidenteng naganap sa pagitan nila sa shooting ng “Bubog” directed by Arlyn dela Cruz kung saan inihian nga siya ni Baron.
Ito’y sa kabila nga ng pagso-sorry ni Baron kay Ping na idinaan lang niya sa Facebook. Wala pang official statement ang organisasyon ng mga talent manager hinggil sa reklamo ni Ping laban kay Baron Geisler.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.