Mabubuo pa ba ang pamilya ngayong pasko? | Bandera

Mabubuo pa ba ang pamilya ngayong pasko?

Joseph Greenfield - December 03, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Elisa ng Plaza Aldea, Tanay, Rizal

Dear Sir Greenfield,

Magdadalawang buwan na pong hiwalay ang tatay at nanay ko, dahil may ibang pamilya na ang tatay ko, pero kahit may iba na siyang pamilya lagi pa rin siyang dumadalaw sa bahay namin at naguusap pa naman sila ng nanay ko. Mula ng mag-hiwalay ang mga magulang ko kaming tatlong magkakapatid ay dito naninirahan sa nanay ko at sabi nya sa amin, nasa tatay ko daw ang pasya kung iiwan nya ang babae nya ay payag naman daw si nanay ko na makipagbalikan para muling mabuo ang aming pamilya. Itatanong ko lang kung sa pasko po bang darating may pag-asa pa kayang muling mabuo ang pamilya namin at may posibilidad kayang magkabalikan ang nanay at tatay ko? Yon lang ang wish ko po ang wih ko sa paskong ito at sana ay magkatotoo dahil pangako ko sa aking sarili ay bubuo ako ng simbang gabi? February 13, 1971 ang birthday ng tatay ko at October 10, 1972 naman ang birthday ng nanay ko.

Umaasa,
Elisa ng Rizal

Solusyon/Analysis:

Palmistry:
Walang sira, hindi nalatid at maaayos na maayos naman ang pagkakaguhit ng Family Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa malapit na hinaharap napakalaki ng posibilidad na muling mabuo ang inyong pamilya.

Cartomancy:
King of Hearts, Queen of Clubs, at Ace of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nagkabalikan ang mga magulang nyo, tuloy-tuloy ng darating ang suwerte at magandang kapalaran hindi lamang sa paskong ito kundi sa buong taon ng 2017.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending