Maine, Kris sabay nanood ng Enteng Kabisote 10; nag-bonding sa sinehan
Ervin Santiago - Bandera December 01, 2016 - 12:18 PM
ANG phenomenal star na si Maine Mendoza ang unang naging subject ni Kris Aquino sa first Facebook Live na ginawa niya with the caption, “This is Real.”
Magkasamang nanood ng “Enteng Kabisote 10 & The Abangers” noong Miyerkules sina Maine at Kris kaya nagkaroon sila ng chance na makapag-bonding at makapag-live sa FB. “I’m super excited dahil manoood ako ng Enteng 10 dahil ang kasama ko ay ang matagal ko nang…It’s actually the first time I’m going to meet her,” ang chika ni Kris. Hirit pa ng Queen of All Media kay Yaya Dub, “Maraming salamat for doing this. Ang lamig ng kamay mo. Pinapanerbiyos ba kita?” Na sinagot naman ni Maine ng, “Opo, medyo.” Pagpapatuloy ni Kris sa kanyang FB Live, “Tubong Bulacan rin kami kasi ang mga Cojuangco pinanganak sa Malolos.” Sey naman ni Maine, ipinanganak naman siya sa Sta. Maria, Bulacan. Tanong uli ni Kris kay Maine, “Nakakakaba ba na ang opening niyo ay November 30 at ang lalaki ng movies na nagbukas?” “Oo nga po, e,” sagot ng ka-loveteam ni Alden Richards. May special participation din kasi ang AlDub sa pelikula ni Vic Sotto na showing na ngayon sa mga sinehan. Kalaban nito sa takilya ang pelikula naman nina Vice Ganda at Coco Martin na “The Super Parental Guardians”. Nagpakuha pa sina Kris at Maine sa tabi ng poster ng “Enteng Kabisote 10” ng OctoArts Films, M-Zet Productions, at APT Entertainment bago sila pumasok sa sinehan.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending