Ateneo Blue Eagles umusad sa UAAP Season 79 men's basketball finals | Bandera

Ateneo Blue Eagles umusad sa UAAP Season 79 men’s basketball finals

Angelito Oredo - November 30, 2016 - 11:00 PM

Mga Laro sa Sabado
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. NU vs La Salle (women’s finals)
3:30 p.m. La Salle vs Ateneo (men’s finals)

HINDI ininda ni Isaac Go ang dumudugo at nabasag na ilong para isalba ang Ateneo de Manila University Blue Eagles at palasapin ng masaklap na kabiguan ang Far Eastern University Tamaraws sa pag-uwi ng 69-68 overtime na panalo sa matira-matibay na Game 2 ng semifinals ng 2016 UAAP Season 79 men’s basketball tournament Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi na nagawa pa lapatan ng lunas ang ilong ni Go matapos masiko habang nag-aagawan sa bola sa isang yugto sa dagdag na limang minuto para ibalik ito sa krusyal na yugto kung saan nakuha nito ang bola mula sa sablay ni Thirdy Ravena at ihulog para itulak ang Blue Eagles sa abante, 69-68, may 1:24 pa ang natitira sa laro.

Dahil sa panalo ay nahawi ng Blue Eagles ang muling pakikipagharap nito sa karibal na De La Salle University Green Archers na una nang tumuntong sa kampeonato matapos na agad na biguin ang nakatapat na Adamson University Soaring Falcons.

Agad na isasagawa ang unang laro sa kampeonato sa darating na Sabado sa Mall of Asia Arena.

May pagkakataon ang Blue Eagles na iuwi ang panalo sa regulasyon subalit sumablay ang atake ni Ravena sa huling 3.7 segundo ng laro na nagtapos sa ikaapat na yugto sa tabla na 66-all.

Halos dalawang minuto na hindi nakaiskor ang dalawang koponan sa overtime bago ibinigay ni Manuel Vicente Tolentino ang 67-66 abante sa Blue Eagles sa laban na nagkaroon muna ng 23 palitan ng abante.

Huling inagaw ng nahubaran ng korona na Tamaraws ang abante sa 68-67, may 2:27 minuto pa sa laro mula sa jumper ni Ron Marvis Dennison bago na lamang nabigo na mabantayan at hayaan ang pampanalong buslo ni Go.

“You cannot separate the team in this kind of game. It’s like a bow and arrow. They had the last shot but they put it half a minute late,” nasabi lamang ni Ateneo coach Tab Baldwin. “I think we stood our ground. I know they will be coming like a storm. I am really proud of the boys and they really weathered and stood out.”

Pinamunuan ni Ravena ang Blue Eagles sa itinalang 13 puntos habang nag-ambag si Mike Nieto ng 13 at si Go ay may 12 puntos at 9 rebounds.

Naipaghiganti rin ng Blue Eagles ang nalasap na masaklap na kabiguan noong nakaraang taon kung saan napatalsik ito sa buzzer-beating tres ni Mac Belo.

Optimistiko naman si Baldwin na magagawa muli ng kanyang mga manlalaro ang pagiging matatag at matibay sa krusyal na sitwasyon sa kanilang paghaharap ng La Salle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“La Salle has been ready for us. I know they had been watching us. They are a good team and we are looking forward to meeting them in so short time,” sabi pa ni Baldwin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending