Robin tanggap na si BB, pero wag na raw ipakilala sa pamilya ang dyowa | Bandera

Robin tanggap na si BB, pero wag na raw ipakilala sa pamilya ang dyowa

Cristy Fermin - November 29, 2016 - 12:25 AM

robin padilla at bb gandanghari

TANGGAP na ng kanyang pamilya ang pagbabago ng kasarian ni Rustom Padilla, tanggap na ng kanyang ina at mga kapatid na si BB Gandanghari na siya ngayon, pero hanggang du’n lang ang kanilang magagawa.

Sa pag-uusap-usap ng pamilya ay hindi pa rin nila mabigyan ng tamang katwiran ang naganap kay BB, hindi nila alam kung bakit nagkaganu’n ang kanilang kapatid, pero wala na silang maitututol pa tungkol du’n.

Nakadokumento na ang pagpapalit ng pangalan at kasarian ng dating aktor, babaeng-babae na siya ngayon, inilibing na ni BB Gandanghari ang dati niyang pagkatao.

Wala nang tutol si Robin Padilla sa naging desisyon ng kanyang kapatid, kung ‘yun daw ang makapagbibigay ng kaligayahan kay BB, ano naman ang kanyang magagawa?

“Pero hindi na niya kailangan pang ipakilala sa amin kung sino ang nagpapaligaya sa kanya, sapat nang alam naming happy siya, okey na ‘yun,” natatawang komento ng action star.

Marami nang tulad niya rito sa atin, pero hindi pa ganu’n kabukas ang ating kultura at lipunan sa pagpapabago ng kasarian at kaanyuan na ibinigay sa atin ng Diyos nang tayo’y ipinanganak, kaya pinili ni BB Gandanghari na sa Amerika na manirahan at magtrabaho.

Pauwi-uwi na lang siya kapag may sapat siyang panahon dahil baguhin man niya ang lahat-lahat sa kanyang pagkatao ay hahanap-hanapin pa rin niya ang amoy ng bansang kinalakihan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending