Mariel wala sanang problema sa gatas ng ina kung dito sa Pilipinas nanganak | Bandera

Mariel wala sanang problema sa gatas ng ina kung dito sa Pilipinas nanganak

Cristy Fermin - November 28, 2016 - 06:10 PM

mariel rodriguez

NGAYON mas tumitindi ang kagustuhan ni Robin Padilla na mabigyan na siya ng US visa para matupad na ang kanyang hiling na makasama ang kanyang mag-ina.

Lalo na ngayong problemado si Mariel Rodriguez sa kawalan ng gatas para sa kanilang anak na si Maria Isabella, gustung-gusto nang makalipad sa Amerika ng action star, moral support ang gusto niyang ibigay sa kanyang misis na matindi ang pinagdaanan para sa pagkakaroon nila ng supling.

Walang gatas si Mariel para sa kanilang anak, napakahalaga pa namang mismong gatas nito ang masipsip ni Isabella, para sa pagpapalakas sa sistema ng sanggol.

Ang unang bugso ng gatas ng ina ang tinatawag na colostrum, ‘yun ang kailangang pumasok sa katawan ng sanggol bilang anti-bodies, may matinding panglaban sa mikrobyo ang sanggol nang dahil du’n.

Kung nasa Pilipinas lang si Mariel ay hindi ito mahihirapan sa gatas ng ina, maraming nagbibigay ng gatas sa mga ospital, ang mismong manugang namin ay nagbibigay ng donasyon ng sarili nitong gatas para makatulong sa ibang nanay na pinagdadamutan ng sariling gatas.

Naiinip man ay hindi pa rin bibitiw si Robin sa pag-asang isang araw ay makaalis pa rin siya. Huwag lang sanang mangyari na kung kailan siya makakuha na ng US visa ay ‘yun na rin pala ang takdang pag-uwi sa bansa ng kanyang mag-ina.

Gustung-gusto na rin kasing personal na pasalamatan ni Robin Padilla ang lahat ng mga taong tumulong kay Mariel sa Delaware habang wala siya du’n. Lalung-lalo na ang mismong mga biyenan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending