Babalik pa ba ang BF na umalis?
Sulat mula kay Adellie ng Poblacion, San Quitin, Pangasinan
Dear Sir Greenfield,
Nagkahiwalay kami ng boyfriend ko nang walang maayos na usapan. Three years na sana ang relasyon namin. Noong nagpa-alam siya sa akin na magwo-work sa Manila ay hindi ko siya pinayagan dahil ayaw kong magkalayo kami pero umalis siya nang lihim at walang paalam. Nang mabalitaan ko nga na nasa Manila na siya, nabigla nga ako. Sa ngayon, may isang buwan na siyang wala rito at wala na rin kaming kumunikasyon. Nais ko pa namang sabihin sa kanya na kahit wala na siya mahal na mahal ko pa rin siya at hindi magbabago ang pag-ibig ko sa kanya. Itatanong ko lang po kung magkakabalikan pa ba kami. Darating kaya ang isang araw na bigla siyang tatawag sa cell phone ko at mangungmusta o bigla siyang magse-send ng message sa FB ko? O kaya naman po ay bigla siyang babalik dito sa Pangasinan? Sana magkabalikan pa kami, lalo na ngayong magpapasko pa naman.
Umaasa,
Adellie Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maayon at maganda naman ang iyong Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na bahagya kang nalulungkot at nangungulila sa ngayon dahil sa lumayo mong boyfriend, lilipas din ‘yan. Sa bandang huli, malaki ang posibilidad na muli kayong magkabalikan.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Nine of Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing magpahanggang ngayon mahal na mahal ka pa rin ng boyfriend mo. Hindi matatapos ang taong ito ng 2016, sa hindi mo inaasahang sitwasyon at pagkakataon, muli kayong magkikita at magkakaroon ng kumuniskayon.
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) at Scorpio naman ang boyfriend mo ang nagsasabing, kapwa kayo pinaghaharian ng elementong tubig o water, ibig sabihin sadya ngang tugma at compatible kayo, kaya nga sa malapit na hinaharap, muli kayong magkakaroon ng kumunikasyon upang minsan pa, mabuong muli ang inyong masayang relasyon.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing bukod sa astrology o zodiac sign katugma mo rin ang boyfriend mo na may birth date na 17, kung saan ang 7 at 17 ay sadya ngang suweto at compatible sa isat-isa, na tinatayang sa taon ding ito ng 2016 hanggang 2017 muling madurugtungan ang inyong naatala o bahayang naputol na pag mamahalan.
Huling payo at paalala:
Adellie ayon sa iyong kapalaran hindi matatapos ang taong ito ng 2016, bago sumapit ang pasko, tiyak ang magaganap, mala himalang magkakaroon kayo ng kumunikasyon ng boyfriend na nasa Maynila lang naman, upang muli kayong magkakabalikan, hanggang sa tuluyan na uling mabuo ang isang maligaya at matimyas na relasyong hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.