Duterte nanindigan sa Marcos burial sa LNMB: ‘Magbibitiw ako pag napatunayan ninyo na hindi siya naging pangulo, sundalo’
PINANINDIGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglilibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) kasabay ng hamon sa mga nagpoprotesta na handa siyang magbitiw kung mapapatunayang hindi naging pangulo at sundalo ang yumaong presidente.
“While I was in Lima, I also understand that there were plans to greet my return with protests over the burial of President Ferdinand Marcos at the Libingan ng mga Bayani,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Davao City matapos dumating mula sa Lima, Peru.
Ito’y sa harap naman ng nakatakdang kilos-protesta ngayong araw para kondenahin ang palihim na paghihimlay kay Marcos sa LNMB noong Nobyembre 18, 2016.
“To all the protest organizations, let me throw this simple proposition to you: I will gladly and happy even to step down and relinquish my post if you can answer in the negative these two key questions: Was the late Ferdinand Marcos a President and was he a soldier?” ayon pa kay Duterte.
Binatikos maging ng mga kaalyadong makakaliwa ni Duterte ang ginawang paglilibing kay Marcos na itinaon habang wala siya sa bansa.
“Never mind about a hero. ‘Cause we are to document something like that. To document heroism requires history. ‘Di madali ‘yan, ” sabi pa ni Duterte.
Iginiit pa ni Duterte na lahat ng kanyang mga desisyong ginagawa ay para sa kabutihan ng mga nakararami.
“In the absence of the protest organizations here or pending their availability for their actual answers, let me end this arrival statement tonight: All of the decisions that I have made and still have to make are always guided by the common good and the general welfare of the people,” giit ni Duterte.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na hindi na kailangan ng permit ng mga magpoprotesta sa kalye.
“Protest action shall be allowed in all open public places for as long as they want with no time limit. The protesters will neither need, hindi na kailangan, to secure rally permits in fear of being evicted,” ayon pa kay Duterte.
“To paraphrase what was said: I may not agree with what you say but I will protect your right to say it. That is our democracy,” sabi pa ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.