Ate Vi mukhang fresh pa rin kahit ngarag sa kongreso
SA UNANG pagkakataon ay naimbitahan kami na dalawin sa kanyang opisina sa Kongreso ang Congresswoman ng Lipa City sa Batangas na si Vilma Santos-Recto.
Nasa second floor ng bagong Mitra Building sa House of Representatives ang opisina ni Cong. Vilma katapat ng tanggapan ng kapwa niya celebrity din na si Cong. Alfred Vargas ng Kyusi.
Of course, we feel honored and priveledged na mapasama sa iilang members of the press na super init na winelcome ni Ate Vi sa kanyang opisina along with her staff sa pangunguna ng kanyang ate na si Emilyn, consultants, head legal adviser na si Atty. Joel Montealto at ang dating action star na si Joko Diaz.
Inamin ni Cong. Vi na nanibago siya sa kanyang bagong posisyon. Kami man ay nagkakapalit-palit din ng tawag sa kanya from Ate Vi, Gov. Vi to Cong. Vi habang kausap siya.
“Siyempre 18 years akong executive, local chief executive. Eto batas na. Iba na ‘to. Kapag local chief executive administrative ‘yun, sarili mo. Dito we’re almost 300. Meron kang nire-represent na distrito.
“Ngayon, nire-represent ko lone district. Mag-isang distrito na ang Lipa So, legislative ‘to, more on 70 percent nito gagawa kayo ng batas,” umpisa ni Cong. Vi.
Nag-aral daw muna siya bago nagsimulang magtrabaho. Um-attend siya sa isang legislative short course/seminar for five days para sa mga bagong halal lalo na sa gaya niya na galing sa local position. Ibinibigay ‘to sa kanila para mas maintindihan ang trabaho ng isang legislative.
Nakasama ni Cong. Vi sa third batch ng mga bagong kongresita na um-attend ang mga actor/politician na sina Yul Servo (Manila) at Monsour del Rosario (Makati).
Habang nagsasalita si Cong. Vi hindi naman namin maiwasan na titigan ang kanyang mukha. Maganda pa rin naman at ‘di hamak na mukhang bata kesa sa tunay niyang edad. Higit sa lahat, mas “fresh” at ‘di siya mukhang ngarag.
“It’s really hard to be 35 and gorgeous!” biro niya. ‘Yan daw ang natutunan niya habang ginagawa ang last movie niyang “Everything About Her.” And speaking of movies, ano nga ba ang next movie niya.
“Gusto ko po, gusto ko,” diin niya. “Hindi ba nabalitaan ninyo ‘yung offer sana sa akin ni Mike de Leon?” Nailing si Cong. Vi when she mentioned about this film. Hindi raw siya maka-oo kay Direk Mike nu’ng inalok siya two months ago.
“Nasaan ba ako noon? Sa Macau? Last movie na gagawin niya. Tapos ipinadala na niya sa e-mail. Istorya kasi ng LVN, ni Doña Sisang. Kaya lang gusto niya sagutin ko na agad. Pero hindi ko masagot kasi hindi pa ako nag-oopisina.”
Kailangan daw kasi muna niyang alamin ang trabaho niya sa Congress dahil ayaw niyang mapagbintangan siya na walang ginagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.