Barbie pag-aagawan ng 4 na lalaki: Haba ng hair, di ba? Pero hindi po ako malandi! | Bandera

Barbie pag-aagawan ng 4 na lalaki: Haba ng hair, di ba? Pero hindi po ako malandi!

Ervin Santiago - November 23, 2016 - 12:05 AM

ken jak barbie ivan

ANG haba-haba naman talaga ng hair nitong Kapuso Primetime Drama Princess na si Barbie Forteza! E, kasi nga, hindi lang isa o dalawa ang magiging leading man niya sa sa bagong serye ng GMA – kundi apat!

Hindi nga raw makapaniwala ang dalaga nang malaman niyang apat na nagguguwapuhang young actor ang magiging ka-loveteam niya sa Meant To Be na very soon ay mapapanood n’yo na sa GMA Telebabad.

Ayon kay Barbie, kasama raw siya ng buong produksiyon ng Meant To Be sa paghahanap ng magiging leading men niya sa programa, partikular na sa isinagawang “look test” para malaman kung may “spark” ba sila ng apat na mapipiling guys.

Sa katunayan, ipinasilip pa ng production sa ilang members ng entertainment press ang ilan sa pinagdaanang audition ng apat na kapartner ni Barbie.

Kamakalawa ay ipinakilala na ng GMA ang apat na leading men ni Barbie sa nasabing romatic-comedy series. Ito’y sina Ivan Dorschner na dating teen housemate ng Pinoy Big Brother, ang newcomer na si Addy Raj na sumali naman noon sa I Love OPM ng ABS-CBN at ang Kapuso stars na sina Jak Roberto at Ken Chan.

In fairness, may chemistry naman si Barbie sa apat, pero para sa amin, mas malakas ang dating nila ni Ivan sa screen. Bagay na bagay silang magka-loveteam – isang makulit at kikay na girlalu at isang boy-next-door type of a guy.

Inamin naman ng dalaga na matinding pressure na naman ang nararamdaman niya para sa bago niyang serye, “Pero siyempre, mas lamang pa rin yung excitement, kasi yung pressure given na. Kasi sabi ko nga, hindi ko ma-e-enjoy ‘yung journey kung lagi akong natatakot o kinakabahan. Basta nagpapasalamat ako sa GMA dahil sa akin nila ibinigay ang proyektong ito, at sa primetime pa.”

Gagampanan ni Barbie ang karakter ni Billie, na bata pa lang ay naniniwala na sa destiny. Pero bilang isang millennial, dadaan din siya sa mga pagsubok at iba’t ibang issue ng buhay. Hanggang sa makilala niya ang apat na lalaking mas lalong magpapagulo sa kanyang buhay, pero magbibigay-kulay naman sa kanyang lovelife.

“I can say that GMA is taking a lot of risks for this series kasi bagong tema, bagong kuwento. Apat ang partner niya, pero hindi siya malanding babae, ha! Ha-hahaha! Medyo risky siya pero lahat kami very positive na magugustuhan siya ng manonood. Yun bang bago sila matulog ang saya-saya lang ng feeling nila,” chika pa ng dalaga.

Makakasama rin dito sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner, Keempee de Leon, Sef Cadayona with Ms. Gloria Romero, Stephanie Sol, Zymic Jaranilla at Mika dela Cruz, directed by LA Madridejos.

q q q

And yes, isa na ngang Kapuso ngayon ang dating Kapamilya teen acror na si Ivan Dorschner. Isa siya sa mga ka-batch ni James Reid sa PBB Teen Clash of 2010 sa ABS-CBN.

Ayon sa binata, excited na siya sa mga gagawin niyang proyekyo sa GMA, una na nga itong Meant To Be, “I am happy to be here, nakilala ko na rin yung ibang Kapuso artists and executives and okay naman po,” sey ni Ivan nang makachika namin sa mini-presscon ng kanilang serye.

Inamin ni Ivan na isa si James sa mga kumumbinsi sa kanya na bumalik na sa Pilipinas at muling i-try ang showbiz. Sa Los Angeles, California na kasi naka-base ngayon ang binata at nitong August lang siya uli umuwi.

Nagkita raw sila ni James sa Amerika nitong nakaraang May kung saan nagkaroon ng concert ang hunk actor kasama ang girlfriend nitong si Nadine Lustre. At doon nga sila nagkausap nang masinsinan tungkol sa kanilang mga career.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“He told me to give it another try. Sabi niya, ‘Man, you gotta try it again. You gotta do it.’ So, sabi ko, sige, why not. Para kasing nababagalan na rin ako sa States. Kasi nag-audition din ako doon,” ani Ivan. In fact, natanggap daw siya sa isang TV series produced by CBS, but the project was canned.

Ayon pa sa binata, nang makabalik na siya sa Pilipinas, nakipag-usap agad siya sa mga kakilala niyang director at producers, “We had meetings with ABS-CBN, Viva and even Regal and may offers naman po, but it was GMA na pinakamagandang offer. So, I’m here.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending