Igan may mga hamon sa 3 Ginebra Gin Kings champ | Bandera

Igan may mga hamon sa 3 Ginebra Gin Kings champ

|November 23,2016
facebook
share this

Igan may mga hamon sa 3 Ginebra Gin Kings champ

- November 23, 2016 - 12:15 AM

scottie mark at jayjay
TAWAGIN na ang buong barangay ngayong Miyerkules dahil bibisita ang tatlo sa mga superstar ng 2016 PBA Governors’ Cup na Barangay Ginebra Gin Kings sa Tonight with Arnold Clavio—sina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand at Scottie Thompson.

Umaatikabong kuwentuhan ang magaganap dahil ikukuwento ng tatlo ang kanilang pakiramdam na sa wakas, natapos na rin ang walong taong pagkabigo nilang makuha ang kampyonato sa PBA.

Eksklusibo rin nilang ibabahagi ang mga kaganapan nang dumalaw sa kanilang makasaysayang game ang PBA living legend na si Coach Sonny Jaworski.

Ito na rin ang pagkakataon ng mga fans na mas makilala sina Mark, Jayjay at Scottie sa pamamagitan ng TWAC game na “Nasubukan N’yo na Ba?” Dito, malalaman kung sino sa kanila ang vain, ang nakaranas nang ma-bully, at ang mabasted. Ibubunyag din nina Mark at Jayjay ang dahilan kung bakit hindi na sila magreretiro sa basketball gaya ng unang napabalita.

At kung sa hardcourt ay puno ng tapang at angas ang tatlo, sa TWAC masusubok ang kanilang lakas ng loob. Kakayanin kaya nilang harapin ang mga misteryosong bagay habang nakatakip ang mata?

Pang-championship na kuwentuhan ang dapat tutukan ngayong Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio, 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending