Kerwin kinikilan ng CIDG official—Pacman | Bandera

Kerwin kinikilan ng CIDG official—Pacman

- November 22, 2016 - 06:58 PM

kerwin-espinosa-620x349

HUMINGI noon ng P3 milyon ang police official, na nanguna sa operasyon na nagresulta sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Jr., sa anak ng huli na si Kerwin.

Ayon kay Sen. Manny Pacquiao, na nakausap kamakailan si Kerwin, na naibaba ang hinihinging “protection money” ni Supt. Marvin Marcos, ang nasibak na hepe ng Criminal Investigation and Detection Group sa Eastern Visayas (CIDG-8), sa P1.5 milyon.
“Ang sabi niya (Kerwin) ‘yung si Marcos, kinakausap daw siya dahil tumatakbo ‘yung misis. Hinihingian siya ng P3 million,” sabi ni Pacquiao sa panayam ng programang “Headstart.”
“Tapos nagtawaran pa. Malaki yata ‘yung P3 million, P2.5 million lang. Hindi talaga P2.5 million ang naibigay kundi P1.5 million lang pauna. Yung pera na ‘yun, tatay (Mayor Espinosa) niya ang nagbigay, nag-abot kay Supt. Marcos,” ani Pacquiao.
Nanatili lamang umano si Kerwin sa loob ng kanyang kotseng habang iniaabot ang pera.
“Kasama siya pero hindi na siya bumaba kasi baka maraming makakita so nandyan lang siya sasakyan. Yun ang kwento niya, tatay niya nag-abot dun kay Marcos,” ayon pa kay Pacquiao.
Nauna nang sinabi ni Marcos sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs na nasa labas siya ng provincial jail nang isilbi ng kanyang raiding team ang search warrant laban sa mayor, na napatay umano matapos manlaban.
Naniniwala si Pacquiao na pinatay ang ama ni Kerwin para patahimikin ang huli.
“Sabi niya nga sa akin: ‘Pinatay ang tatay ko dahil para hindi ako magsalita pero ngayon magsasalita talaga ako. Sasabihin ko lahat ng mga tumanggap at nabigyan ko ng pera’,” dagdag ni Pacquiao.
Naniniwala umano ang senador sa sinabi ni Kerwin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending