2 senador nasa drug list ni Kerwin Espinosa—Sandra Cam | Bandera

2 senador nasa drug list ni Kerwin Espinosa—Sandra Cam

- November 21, 2016 - 05:09 PM

Kerwin-Espinosa-620x465

SINABI ng whistleblower na si Sandra Cam na dalawang senador ang nasa listahan ng pinaghihinalaang drug lord na si Kerwin Espinosa na sangkot umano sa droga.

Idinagdag ni Cam na isa sa dalawang sangkot na senador ang umano’y tumanggapo ng tinatayang P5.7 milyon mula kay Espinosa.
Si Cam ang pangulo ng Whistleblowers Association of the Philippines.
Sinabi pa ni Cam na ibinunyag lahat ni Espinosa ang kanyang nalalaman, bagamat wala siyang otoridad na pangalanan ang mga matataas na opisyal ng gobyerno at mga opisyal ng pulis na sangkot sa droga.
“Kahindik-hindik na hindi natin kakayaning tingnan ang mga pangalang pinangalanan nya,” ayon pa kay Cam.
Ayon pa kay nakakagulat ang listahan ni Espinosa dahil sangkot ang mga malalaking personalidad gaya ng mga senador, kongresista, gubernador at heneral ng pulis.
“Ang nasabi sa akin, isang P1.7 million, isang P2 million at another P2 million so it’s P5.7 million sa isang senador,” dagdag ni Cam.
“Ang isang senador, sabi nya (Espinosa) dito na nya sasabihin dito sa imbestigasyon. May affidavit na sya yesterday so we’re just waiting,” ayon pa kay Cam.
Sinabi pa ni Cam na batay sa testimonya ni Espinosa, siya mismo ang nagdeliber ng P1.7 milyon sa unang senador noong Oktubre 2015; P2 milyon noong Nobyembre 2015; at isa pang P2 milyon noong Disyembre 2015.
“As to the other (senator) ibang tao ang nag deliver sa kanya,” ayon pa kay Cam.
Idinagdag ni Cam na lalabas din sa testimonya ni Kerwin kung sino ang pumatay sa kanyang amang si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Nauna nang inakusahan si Sen. Leila de Lima na tumanggap ng payola mula sa droga ng siya pa ang secretary ng Department of Justice (DOJ).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending