Swerte sina Chito at Nash | Bandera

Swerte sina Chito at Nash

Barry Pascua - November 18, 2016 - 11:00 PM

PAPALAOT bilang head coaches sa 42nd season ng Philippine Basketball Association (PBA) sina Chito Victolero at Nash Racela. Tiyak na excited silang dalawa sa prospects ng kanilang koponan. Kasi, hindi naman pipitsuging teams ang hawak  nila.

Si Victolero ang bagong coach ng Star Hotshots kapalit ni Jason Webb na tumagal lang ng isang season. Si Racela naman ang bagong coach ng TNT KaTropa kapalit ni Joseph Uichico na inilipat na sa Gilas Pilipinas bilang assistant ni Chot Reyes.

Actually, hindi naman bago para sa dalawang ito ang PBA scenario, e.

Si Victolero ay dating assistant coach ng Kia/Mahindra at tumagal ng limang conferences. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya assistant. Head coach na siya roon. Kaya lang ay ang nakalagay na head coach ay si Manny Pacquiao. Paminsan-minsan lang naman sumisipot si Manny sa ensayo at games dahil busy siya sa kanyang schedules. So, si Chito na talaga ang tumatawag.

Pero ngayon ay wala nang figure head sa Star. Si Victolero na talaga ang head coach. So, karga na niya ang lahat. Siya ang gagawa ng plays, siya ang pupurihin kapag nanalo sila, siya rin ang sisisihin kapag pumalpak.

Sa tingin naman ng karamihan ay hindi papalpak si Chito. Kasi, kung nagawa niyang ipanalo ang Mahindra ng kung ilang beses gayung kulang ito ng mga estrelya, aba’y puwede niyang ipanalo ang Star dahil sobra ito sa superstars!

Hahanapin na lang niya ang tamang chemistry at tamang pagkuha sa loob ng kanyang mga manlalaro. Kailangang sundin siya ng mga ito.

Si Racela naman ay long-time assistant ni Reyes sa ilang koponan. Nagsilbi rin siyang assistant ni Uichico at kabisado na niya ang pamamalakad sa TNT.

Pero siyempre, nasa pressure cooker si Racela. Kasi nga ay flagship ng MVP group ang Talk ‘N Text.

Alam naman natin na kaya nawala sa eksena si Uichico ay dahil sa nabigo ang Tropang Texters na maidepensa ang Commissioner’s Cup title at hindi pa nga umabot sa Finals ng torneong iyon. Hindi rin nakarating ang TNT sa Finals ng Governors’ Cup dahil sa natalo sa Meralco sa semis,  3-1. Ito ay sa kabila ng pagiging topnotcher ng TNT sa elims.

So, tiyak na mataas ag expectations kay Racela.  Hindi pupuwedeng sumalengkwang ang TNT sa alinmang conference sa season na ito. Kailangang consistent sa semis ang team o sa Finals.  At kung maigigiya niya sa isang kampeonato ang Tropang Texters, mas mabuti!

Ang siste’y hindi pa kaagad makakasama ng Tropang Texters si Racela dahil tatapusin muna niya ang commitment sa FEU Tamaraws sa UAAP. Nais niyang maidepensa ng Tams ang korona. Pero tila mahihirapan siya dahil sa nabigo silang makuha ang isa sa top two spots sa pagtatapos ng elims. Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari.

Well, masuwerte sina Victolero at Racela dahil nga sa ang hawak nila ay mga championship caliber teams. Hindi sasakit ang ulo nila sa kakulangan ng materyales. Sasakit ang ulo nila dahil sa sobra ang kanilang sandata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

E, mas maganda na ‘yung sobra kaysa kulang, hindi ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending