Balikang Aljur-Kylie nagsimula sa kape; kasalan na?
KULITAN naman ang drama nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez sa muli nilang pagsasama sa Usapang Real Love Presents Relationship Goals, ang inter-active rom-com ng GMA na magsisimula sa Nov. 27, Sunday.
Heavy drama kasi ang una nilang pinagtambalan na One True Love. “Funny ang character ko. Nang-aasar lagi pero charming,” sabi ni Aljur sa pocket presscon ng series.
Dahil umamin na si Aljur na nagkabalikan sila ng dating girlfriend na si Kylie Padilla, hindi naman naging maramot ang Kapuso hunk na sagutin ang tanong tungkol sa kanila. “You can ask anything,” diin niya.
Bakit sila nagbalikan? “Kung makikita ninyo ‘yung lumabas na interview ko, di naman talaga siya nawala. Nandoon palagi ang communication namin. We became best friend. Hindi ‘yung bakit nakipagbalikan eh. Naramdaman namin. It’s about time.
“Naramdaman ko sa sarili ko na panahon na. Handa na kaming magkabalikan,” rason ni Aljur.
Paano nangyari ang balikan? “Kami ni Kylie kasi, pag may gusto akong i-share bilang isang tao, siya ang kausap ko. Ganoon din siya sa akin. So from time to time, yes, nagkikita kami at nagkukuwentuhan kami.
“This time, naramdaman namin through coffee shop. Nagsimula sa coffee shop, hours of talking. After several times na nagkikita kami, we felt na hindi naman talaga siya nawala and we felt na magbalikan.
Hindi siya mabilis. Hindi siya isang tanong lang. Proseso siya,” lahad ni Aljur.
Pakakasalan na ba niya si Kylie? Nag-isip muna si Aljur, “Kasal? What I can say is mahal ko siya. Eversince na nagkahiwalay kami, we were young that time and hindi talaga siya nawala. ‘Yung nararamdaman ko para sa kanya nandito lang (sa puso),” katwiran niya.
Walang gumawa ng move sa kanila ni Kylie upang magbalikan. Naramdaman na lang daw nila ‘yung feeling na balikan ang isa’t isa.
“Every time naman we see each other and we share things about our lives, lagi rin naming napag-uusapan ‘yan. Hindi naman siya talaga nawala. It’s just that we’re mature enough to handle things.
“Hindi rin ako nawala sa kanya. Bini-verbalize namin ‘yan. It happened. Nagkabalikan kami months ago,” sabi pa ng Kapuso hunk.
Mas naging open nga si Aljur sa pagbabalikan nila ni Kylie. Sa social media account niya ay lantaran ang pictures nilang dalawa na super-sweet. “I’m glad people accepted it!” diin ni Aljur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.