Westbrook, Oklahoma City Thunder natakasan ang Houston Rockets | Bandera

Westbrook, Oklahoma City Thunder natakasan ang Houston Rockets

, |November 17,2016
facebook
share this

Westbrook, Oklahoma City Thunder natakasan ang Houston Rockets

- , November 17, 2016 - 11:00 PM

OKLAHOMA CITY — Umiskor si Russell Westbrook ng 30 puntos, kabilang ang left-handed hammer dunk sa harap ni Clint Capela sa mga huling segundo ng laro para tulungan ang Oklahoma City Thunder na talunin ang Houston Rockets, 105-103, sa kanilang NBA game Huwebes.

Lamang ang Oklahoma City ng tatlong puntos nang dumakdak si Westbrook sa harap ng 6-foot-10 center na si Capela may 5.5 segundo ang nalalabi para umakyat ang bentahe ng Thunder sa limang puntos.

Si Westbrook, ang NBA No. 2 scorer, ay nagtala rin ng siyam na assists at pitong rebounds. Si Victor Oladipo ay nagdagdag ng mga season high na 29 puntos at 10 rebounds para sa Thunder, na pumutol sa kanilang four-game losing streak.

Gumawa naman si James Harden ng 13 puntos, 13 assists at pitong rebounds. Nakapagbuslo lamang si Harden ng 4 of 16 shots habang binabantayan ni Andre Roberson. Si Capela ay nag-ambag ng 13 puntos at 14 rebounds para sa Rockets.

Warriors 127, Raptors 121
Sa Toronto, kumana si Stephen Curry ng 35 puntos habang si Kevin Durant ay nagdagdag ng 30 puntos para sa Golden State Warriors na nakuha ang ikalimang sunod na panalo matapos talunin ang Toronto Raptors.

Ang Warriors ay nagwagi rin ng limang diretsong laro laban sa Raptors, tatlo rito sa Toronto.

Pinamunuan ni NBA scoring leader DeMar DeRozan ang Raptors sa ginawang 34 puntos habang si Kyle Lowry ay nagdagdag ng 24 puntos. Si DeRozan ay tumira ng 17 of 17 mula sa free-throw line at itinala ang ikasiyam na 30-plus-point game sa 11 laro ngayong season.

Grizzlies 111, Clippers 107
Sa Los Angeles, bumitaw si Marc Gasol ng go-ahead 3-pointer mula sa left corner may 14 segundo ang nalalabi sa laro para tulungan ang Memphis Grizzlies na putulin ang seven-game winning streak ng Los Angeles Clippers.

Umiskor si Mike Conley ng 30 puntos habang si Gasol ay nagdagdag ng a season-high 26 puntos para sa Grizzlies na tinapatan ang season high 15 3-pointers, kabilang ang career high-tying pitong tres ni Conley.

Kumana si J.J. Redick ng season-high 29 puntos, si Blake Griffin ay nag-ambag ng 25 puntos habang si DeAndre Jordan ay humablot ng 14 rebounds para sa Clippers, na hawak pa rin ang NBA best record na 10-2. Ang kanilang talo ay parehong nagbuhat sa kanilang homecourt.

Pacers 103, Cavaliers 93
Sa Indianapolis, gumawa si Paul George ng 21 puntos para sa Indiana Pacers na sinamantala ang pagkawala ni LeBron James para daigin ang Cleveland Cavaliers.

Si Jeff Teague ay nagdagdag ng 20 puntos at walong assists habang si Thaddeus Young ay nag-ambag ng 16 puntos para tulungan ang Pacers na umangat sa 6-1 sa kanilang homecourt at 6-6 sa kabuuan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si James ay pinagpahinga matapos maglaro noong isang araw kontra Toronto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending