PARDON: Oo
Absolute: Puwede!
Alam nating marami ang papalag sa kahilingan ni convicted child rapist at ex-Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos na bigyan siya ni Pangulong Arroyo ng absolute pardon para muling makabalik sa Kamara (tiyak namang mananalo siya sa kanyang lalawigan dahil sa kanyang paglilingkod sa taumbayan, hindi naman sila nabigo, di tulad ng isang tatakbo pagka-presidente gayung ang kanyang lalawigan ay matagal na niyang kinalimutan at ngayon ay isa pa sa pinakamahirap sa bansa). Ibig nating marinig ang katuwiran ng mga kokontra sa absolute pardon (i-blog na ang inyong paninindigan sa https://banderablogs.wordpress.com o i-text sa 0917-8446769).
Nang mahatulan ng Makati Regional Trial Court, tumakbo pa rin bilang kinatawan ng Mababang
Kapulungan si Jalosjos at dalawang beses na nanalo, noong 1998 at 2001.
Bukod sa nabuno na niya ang hatol sa Munti, nabayaran na rin niya nang buo ang danyos sa upahang bata.
Kung pinayagan natin na maging mga pangulo ang mga mamatay-tao, bakit di bigyan ng muling pagkakataon ang convicted child rapist na maglingkod sa kanyang lalawigan (hindi naman siya naghahangad ng pambansang puwesto)?
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 110609
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.