Ellen Adarna tinawag na playgirl, malandi | Bandera

Ellen Adarna tinawag na playgirl, malandi

Ambet Nabus |November 18,2016
facebook
share this

Ellen Adarna tinawag na playgirl, malandi

Ambet Nabus - November 18, 2016 - 12:10 AM

ELLEN ADARNA

ELLEN ADARNA

HOW true ang napulot naming tsismis na diumano’y wala namang pagsisisi si Ellen Adarna kung marami man siyang napapakawalang projects plus nalalait pa ng bashers ang kanyang pagkababae?

Nang maging viral nga ang photo nila ni Baste Duterte habang naghahalikan at may hawak pang yosi ay nagkakaisa halos ang lahat na tawagin siyang playgirl at malandi, lalo pa’t natsitsismis din siya sa ibang lalaki.

“Dedma, teh! Wala siyang keber. She is the woman of the world talaga,” reaksyon ng kausap namin tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ngayon ng sexy actress.

Hindi naman daw talaga need ng isang Ellen Adarna ang magbanat ng buto to earn money dahil rich kid naman siya kaya’t dedma lang daw ito kung may mga nawawala mang projects sa kanya nang dahil sa pagiging unprofessional o hindi pagsipot sa mga iskedyul ng trabaho and yet, sa social media ay makikita mong kung saan-saan ito nagpupunta at kung sinu-sino ang kasama.

Well, isa lang ang masasabi namin diyan – hindi siya maganda, seksi at mukhang sariwa all the time. Pag kumupas ang mga iyan, wala ring magagawa ang kayamanan niya. At ang tanging maaalala lang sa kanya ng mga tao ay ang kanyang mga kalandian! Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending